Friday, November 29, 2013

Sundalo, patay sa Masbate ambush

Isang sundalo ang nasawi nang tambangan ng mga hinihinalang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kabundukan ng Masbate kahapon ng umaga.


Nagsasagawa ngayon nang hot pursuit operation ang Philippine Army laban sa mga rebeldeng nanambang sa Barangay Marcella, sa bayan ng Uson.



Kinilala ang biktima na si PFC Jay Barbin, miyembro ng 903rd Brigade ng Army na nakabase sa Bgy. Marcella ng nasabing bayan.


Ayon kay 903rd Brigade commander Col. Joselito Kakilala, nasa biyahe ang biktima bandang 6:30 ng umaga noong Miyerkules para sa tinatawag na “procure food provision” sa kanyang unit nang tambangan ng apat na rebelde. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sundalo, patay sa Masbate ambush


No comments:

Post a Comment