Friday, November 29, 2013

GROUND COMMANDER

Matagal nang napawi ang bangis ni Yolanda, ngunit umaalingawngaw pa rin ang obserbasyon na walang kaalyado ng pamahalaan ang nangasiwa sa pagsaklolo sa mga sinalanta ng naturang kalamidad sa Visayas.



Hanggang ngayon, lumulutang ang mga pananaw na nagkulang sa kahandaan ang gobyerno, tulad ng ipinagdidiinan ng batikang US journalist na si Anderson Cooper ng CNN TV. Subalit hindi natin inaakala na masyadong mabagsik si Yolanda – ang pinakamalakas na bagyo na humagupit sa atin. Minaliit natin ang lagim ng naturang super-typhoon.


Sa isang pagbabalik-tanaw, kinailangan ang isang ground commander na magbibigay ng direksiyon sa pagsisikap ng gobyerno at ng pribadong sektor na pakilusin kaagad ang relief operatiions, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Ngunit nang pumagitna si Secretary Mar Roxas ng Department of Interior and Local Government upang ipaayos ang koordinasyon sa mga biktima ng kalamidad, inulan naman siya ng mga pagbatikos. Sala sa init, sala sa lamig, wika nga. Kapag pumalaot ka sa aksiyon, bibintangang nagmamagaling; kapag ikaw ay tutunganga lamang, lalong titindi ang mga pagtuligsa.


Maging si Defense Secretary Voltaire Gazmin, katunayan, ay hindi rin nakaligtas sa mga pagtuligsa, bilang Chairman ng National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC), hindi siya masyadong lumantad sa relief operations. Sina dating Presidente Ramos at Senator Juan Ponce Enrile ang pumuna sa naturang pagwawalang-bahala ni Gazmin.


Ang mga paratang ng mga kritiko ni Roxas ay nakalundo sa sinasabing pamumulitika nito kaugnay ng 2016 presidential polls. Kahit na may batayan ang gayong sapantaha, hinihingi ng pagkakataon na dapat isantabi ang pulitika at magkakabalikat na umayuda sa mga biktima ni Yolanda.


Tinugunan lang at inako ni Roxas ang responsibilidad sa pagsaklolo sa mapanganib na situwasyon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



GROUND COMMANDER


No comments:

Post a Comment