TUGUEGARAO CITY, Cagayan– Balak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bumili ng pitong patrol boat upang palakasin ang kampanya laban sa mga dayuhan pumapasok at nangingisda sa karagatan ng Batanes , Calayan at sa coastal town ng Isabela.
Ayon kay Arsenio Banares, hepe ng Fisheries Regulatory and Quarantine Division (FRQD) bibigyan din nila ang lalawigan ng Cagayan, Batanes at Isabela ng isang pares na 40-footer at 30-footer boats na magagamit sa pagpapatrulya sa nasasakupang lugar upang masawata at maitaboy ang mga iligal na mangingisda.
Kasalukuyan nilang binubuo ang 9.5-meter vessel na ibibigay sa Batanes upang magamit ng BFAR Quick Response Team (QRT), Philippine Coast Guard at mga Bantay Dagat sa kanilang pagbabantay sa Bashi Channel – Wilfredo Berganio
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment