TAMA lang naman kasi na sa kabila ng sobrang blessings, hindi natin nakalilimutan ang nasa Itaas, ang Poong Maykapal, hindi iyong ‘pag may suliranin lang doon lang Siya maaalala.
Iba itong aking utol na si Kagawad Bienvenido ‘Jun’ Calalo, nag-uumapaw ang kanyang kasiyahan sa mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya.
Una, siya ay pinalad na magwagi bilang councilman sa Barangay San Mateo sa Norzagaray, Bulacan. Sobrang naging mahigpitan ang naganap na halalang pambarangay roon kasi sa buong tiket niya, siya lamang ang pinalad na pumasok at manalo.
Tunay na magaling naman talaga itong aking utol kung ang pag-uusapan lang naman ay pagtulong sa tao. Sa katunayan nga kahit wala siya sa posisyon ay talagang matulungin ito. Kakain na lang o matutulog o maliligo, bibitiwan pa niya ito para mapagbigyan ang taong lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya.
Minsan pa nga, kung hindi man madalas, hehe, pati ang inyong lingkod ay nabubulabog pa nitong si kagawad para lamang matulungan ang kanyang mga kabarangay.
Ay tunay ka, talagang you deserve it utol, good luck. We know all na kayang-kaya mo ‘yan, lalo ang ating mahal na mother na laging nakaagapay sa ating magkakapatid all these years. Ma, we will always love you, ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay namin.
Mabalik tayo kay kagawad. Talagang swerte at tila naka-jackpot ito kasi itong aking mahal na pamangkin at anak niya na si Beverly o mas gusto kong tawagin na Bebel ay nakapasa lang naman sa licensure exam for teachers at saka kasunod nito ay lumabas sa record na isa siya sa pumasa sa Civil Service exam. Galing talaga, congrats!
Basta, whatever happens, never never forget Him, lalo na ‘pag masaya hindi kapag may problema lang.
Business Forum, Entrepreneurship Summit
Inaasahang marami ang dadalo sa gaganaping Entrepreneurship Summit ng pamahalaang lungsod ng Navotas sa susunod na buwan.
Kasi maraming matututunan ang mga residente, lalo na iyong mga nais magtayo ng kahit maliit na negosyo dahil mabibigyan sila ng libreng training at seminars hinggil sa pagnenegosyo.
Nakatutuwa talaga itong magkapatid na sina Mayor John Rey Tiangco at dating alkalde at ngayon ay congressman na si Rep. Toby Tiangco dahil ‘di sila bumibitaw at patuloy silang nag-iisip at nagsasagawa ng mga programang tunay na pakikinabangan ng kanilang constituents, kabilang na ang mga maliliit na negosyante.
Ating napag-alaman na nauna nang nagsagawa itong Tiangco brothers ng tinatawag na Business Forum kung saan maraming resource speakers kasama ang ilang representatives mula sa Department of Trade and Industry ang nag-share ng kanilang kaalaman, lalo na on financial management.
The post JACKPOT appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment