Ang huwag sundin ang utos; ang di pagpapahalaga sa tagumpay; at ang pagpapaalipin sa pangamba, ay ilan lamang sa mga tip upang pumangit ang buhay na ating binanggit nitong nakaraang mga araw. Tinalakay natin ang mga paraan upang pumangit ang buhay. Narito ang huling bahagi ng mga tip upang papangitin ang buhay. Kung ayaw mong pumangit ang iyong buhay, gawin mo lamang ang kabaligtaran.
- Maging ganid. – Noong dalaga pa ako, mahilig akong maglaro ng tong-its kasama ang aking mga kaklase. Tuwang-tuwa ako noon lalo na kung ako ay nananalo. Una, maliliit lang na pusta. Kalaunan, lumaki ang mga pusta. Taglay ko ang kahiligang ito hanggang magkapamilya na ako. Lahat ng aking kamag-anak ko (pati na ang kamag-anak ng aking esposo) hinahamon ko ng tong-its. Hanggang isang araw, napukol ako ng epekto ng pera na aking pinanaluhan. Hindi lamang ako naging ganid sa pera kundi pati na rin sa ibang bagay. Buti na lamang sinermunan ako ng aking mahal na esposo; naalis ang aking pagkaganid.
Upang iyong matamo ang pangit na buhay, kailangan mong maging ganid sa lahat ng bagay, lalo na sa pera. Kung magiging ganid ka sa pera, mabilis mong maiwawala ang iyong magandang relasyon sa iyong pamilya at mga kaibigan. Upang mapaigting ang iyong pagkaganid, magsugal ka. Sa sugal, hindi mo mamamalayan na unti-unti ka nang nilalamon ng iyong pagkaganid. At kapag nangyari iyon, mas successful ang iyong pagpapangit ang buhay.
- Sirain mo ang iyong katawan. – Ang gulay at prutas ay hindi lamang nagpapaganda ng katawan kundi pati na rin ang isipan. Hindi rin naman totohanang nakasasama ng katawan ang paminsan-minsang pagkain ng processed meat tulad ng hotdog, hamburger, meatballs, adobong baboy na lumalangoy sa mantika, atpb.; huwag lang kakain ng mga ito nang madalas.
Upang pumangit ang iyong buhay, kumain ka ng mamantikang pagkain. Huwag kumain ng prutas at gulay. Puro karne at junk food ang iyong kainin every time, all the time. Uminom ng beer o alak sa halip na tubig o juice at siyento por siyentong papangit ng buhay mo.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment