Thursday, November 28, 2013

Tagle emosyunal sa misa sa Palo, Leyte

BINISITA ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Tacloban City para personal na magpaabot ng tulong at pakikiramay sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda at saka pinangunahan ang banal na misa para sa mga binagyong residente sa Archdiocese ng Palo.


Kasama ni Tagle si Palo, Leyte Archbishop John Du sa pagmimisa sa naturang lugar.


Naging emosyonal pa si Tagle sa kanyang sermon dahil sa ipinakitang katatagan ng mga residente doon, sa kabila nang dinanas na pagsubok at kalamidad.


Ayon kay Tagle, mas matatag pa kaysa sa simbahan ang pananampalataya ng mga ito sa Panginoon.


Nilagyan lamang ng tolda ang altar kung saan nagmisa si Tagle upang magsilbing proteksiyon ng mga dumalo sa misa sa ulan at init.


Bumuhos din ang malakas na ulan na may kasamang malakas na ihip ng hangin habang idinaraos ang misa.


Ang pagtungo ni Tagle sa lugar ay itinaon din sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng archdiocese ng Palo na kabilang sa mga lugar na matindi ring hinagupit ng super bagyo noong Nobyembre 8.


Una nang sinabi ni Tagle na mahirap masagot ang katanungan ng marami kung bakit naganap ang kalamidad sa Visayas.


Ayona pa sa Cardinal, ang pinakamagandang sagot aniya sa naturang katanungan na kailangan ng mga binagyo ay ang pagtitiyak na may nakikiramay at may kasama sila sa kanilang pinagdadaanan.


Nag-alay pa ng panalangin si Tagle para sa katatagan ng bansa lalong-lalo na ng binagyo at nilindol sa Visayas.


Patuloy ring umaapela ng tulong si Tagle para sa Yolanda survivors.


The post Tagle emosyunal sa misa sa Palo, Leyte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tagle emosyunal sa misa sa Palo, Leyte


No comments:

Post a Comment