Friday, November 29, 2013

Bimby, natuto kay Ryzza ng ‘po’ at ‘opo’

Ni Reggee Bonoan


Ryzza, Kris & Bimby NAGKUWENTO si Kris Aquino na napanood na niya ang 2/3 ng My Little Bossings bago siya dumiretso sa grand presscon ng kanilang pelikula na entry ng OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment at Kris Aquino Productions sa 2013 Metro Manila Film Festival.


Puring-puri ng Queen of All Media si Aleng Maliit o Ryza Mae Dizon dahil ang galing daw umarte.



“I kept telling her (Ryza Mae) na, ‘Ryza ba’t ang galing-galing mo?’ Kasi a true star is lalong lumalaki on screen kapag pinapanood mong nagpe-perform, pero ‘yung talagang larger than life ang dating, ganu’n siya at tuwang-tuwa ako kasi ganu’n siya ka-humble.


“So talagang I was so captivated by the two (Ryza at Bimby), siyempre proud na proud ang nanay, so ang feeling ko, they have magic, may screen magic ‘tong dalawa kaya kilig na kilig ako na sabi ko nga, ang cute,” masayang paglalarawan ni Kris sa dalawang bagets ng My Little Bossings.


Aminado si Kris na malaki ang natutuhan ni Bimby kay Ryza.


“Natuto talaga si Bimb na makihalubilo sa lahat, natuto siyang mag-‘po’ at ‘opo’, natuto siya. Kasi maraming nakuwento ‘yung mommy ni Ryza sa amin na lahat ng pinagdaanan nila kaya natuto si Bimb na to be grateful with the thing that we have.


“And they get along so well kasi parang na-realize ko na we should let them be children and enjoy nila ‘yung pagiging bata. So nakanood na kami ng sine together, ‘tapos during break (time), kasi si Bimb hates horror (films) so ito (Ryza) mahilig, so nanood kami ng Conjuring, nanood kami ng lahat ng Chucky (series), ‘tapos sabi sa akin (ni Ryza), gusto raw niyang makita ‘yung original, so dinownload ko talaga, binili ko ‘yung Child’s Play ‘tapos gusto niyang makita ‘yung Bride of Chucky,” kuwento ni Kris na natawa dahil nagagalit na si Bimby sa pinag-uusapan tungkol sa horror movies.


“Si Bimby kasi gusto niya action, superheroes, tuwang-tuwa siya ro’n,” dugtong ng TV host/actress.


Malaki ba ang nabago kay Bimby nang pasukin nito ang showbiz?


“Hindi naman nabago, I’d like to think that I have a good kid, bumait talaga, kasi this little one, si Aleng Maliit, mabait talaga at walang kalakihan ng ulo, walang ere, hindi nagpi-feeling.


“Kasi si Bimb, nakikita niyang diva ‘yung nanay, so akala niya normal ‘yun, so noong nakatrabaho sila (Vic Sotto/Aiza Seguerra at Ryza) nakita talaga niyang puwede kang maging sikat na simple,” kuwento ng proud mama ng batang aktor.


Nabanggit din daw ni Kris sa anak na i-adopt daw nila si Ryza pero tumanggi si Bimby.


“He said, ‘I don’t want a sister, I already have a brother, si Ryza naman sabi niya, ‘no, may nanay na po ako’, so ganu’n sila.


“Kaya promise namin kay Ryza at sa mommy niya na beyond this movie labas pa rin tayo, close pa rin tayo, gawa tayo ng paraan para makalabas pa rin tayo, nood tayo ng sine, ganu’n. Mga normal lang na bagay, so far naman, nagagawa namin.


“’Tapos komportable na kami ng nanay niya (Ryza) na dati panay ang opo sa akin, ngayon okay na, pareho kaming nanay,” kuwento pa ni Kris.


Abut-abot ang pasasalamat ni Kris kay Vic dahil marami siyang natutuhan dito bilang movie producer.


“You know, I love him in the sense na he’s so cool. Ako talaga ultimo period, comma pakikialaman ko. Siya (Vic) talaga puwede palang maging relax at maganda pa rin ang kinalalabasan. So ang dami-dami kong napulot sa kanya, trusting your people na magtiwala ka na they know what they’re doing, hindi kailangan lahat minamaniobra mo. Kaya siguro siya (Vic) sa haba ng pinagsamahan nilang lahat, may tiwala siya,” paglalarawan ni Tetay sa management style ni Bossing Vic.


Malaki raw ang pagkakaiba sa Star Cinema na una niyang nakasosyo (sa mga pelikulang Segunda Mano at Dalaw).


“You know naman the system in Star Cinema, di ba, na naplantsa na ‘yan, ang daming pinagdaanan, bakas ka ng pera mo. Ito (My Little Bossings), from inception to the final product.


“I have also to say thank you to Boy Abunda kasi siya ‘yung nangulit sa Procter and Gamble to happen, na kasi almost half of commercial intrusion came from Boy sa kapa-follow-up niya at sinuwerte kami na dalawang marketing arm, ‘yung sa amin ni Boy at ‘yung kay Mr. (Tony) Tuviera and Boss Orly (Ilacad). So we get the best of both worlds. Pero sa totoo lang, ang hirap na trabaho pala nito (producer) hindi ito biro,” kuwento ni Kris.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bimby, natuto kay Ryzza ng ‘po’ at ‘opo’


No comments:

Post a Comment