Friday, November 29, 2013

Traffic enforcer arestado sa pagbebenta ng droga

SWAK sa kulungan ang isang traffic enforcer matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Calasiao, Pangasinan nitong nakalipas na Nobyembre 24, 2013.


Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr.ang nadakip na suspek na si Christopher Villa, 37, ng Sitio Tebron, Barangay Mancup, Calasiao, Pangasinan.


Ayon sa PDEA, alas-9:59 ng umaga nadakip ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Regional Office 1 at Calasiao PNP ang suspek na si Villa matapos pagbilhan ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA na nagpanggap na poseur-buyer.


Matapos madakip ang suspek, kinapkapan ito at dalawa pang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu ang nakumpiska sa suspek at P500 bill na ginamit sa buy-bust money.


Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


The post Traffic enforcer arestado sa pagbebenta ng droga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Traffic enforcer arestado sa pagbebenta ng droga


No comments:

Post a Comment