Ni Charissa Luci
Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) noong Miyerkues na hiniling nito sa Office of the Solicitor General na linawin ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa constitutionality ng pork barrel.
“We are asking the Office of the Solicitor General to seek clarification. It is not a motion for reconsideration, but a clarification,” sinabi ni DBM Assistant Secretary Janet Abuel sa House committee on appropriations sa pagdinig ng panukalang P14.6B supplemental budget at sa resolution na nagpapalawig sa validity ng appropriations sa ilalim ng 2013
national budget.
Sa botong 14-0, idineklara ng Supreme Court (SC) na “unconstitutional” o labag sa kontitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong Nobyembre 19.
Ipinaliwanag ni Abuel na ang mga alokasyon sa PDAF na may Special Allotment Release Order (SARO) ay obligated na at itinuturing na accounts payable.
Sinabi niya na sa opinyon ng DBM, dapat na muling pag-aralan ang desisyon ng SC.
Sinuportahan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, vice chairman ng panel, ang desisyon ng DBM, kasunod ng “confusion” na ibinunga ng desisyon ng SC sa PDAF.
“I think Congress should welcome the clarification on PDAF dahil madami nang nalilito. Yung na-award na at nabidding na, with this decision, hindi na mababayaran ‘yun. DBM’s move for clarification is most welcome,” wika ni Evardone.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment