Thursday, November 28, 2013

Pagsusulit sa school principal, ipinagpaliban

Ipinagpaliban ng National Educators Academy of the Philippines ng Department of Education (DepEd-NEAP) ang qualifying examination for school heads o mga principal ng paaralan.


Sa abiso ng DepEd-NEAP, sa Enero 12, 2014 na gaganapin ang NQESH imbes na sa unang itinakdang petsa sa Disyembre 8.



Ito, ayon sa DepEd-NEAP, ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga aplikante na makabangon sa pait na idinulot ng kalamidad tulad ng lindol at super typhoon Yolanda sa Visayas.


Iniulat din ng DepEd na puspusan ang isinasagawang stress debriefing sa mga guro at psychosocial activity ng mga estudyante. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagsusulit sa school principal, ipinagpaliban


No comments:

Post a Comment