Friday, November 29, 2013

Pinoy caregiver sa Canada pwede na sa permanent residency

UMAABOT sa 18,000 foreign workers kabilang ang mga Pinoy ang makakabenipisyo sa Live-In Caregiver Program (LCP) ng pamahalaan ng Canada.


Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakapaloob sa nasabing programa ang pagkakataon na magtrabaho bilang caregiver sa Canada ang mga Pinoy gayundin ang tuluyang manirahan sa naturang bansa.


“Although open to other nationalities, the Philippines continue to be the top source of live-in caregivers in Canada. The rapid uptrend in the deployment of Filipinos to Canada in the coming years can be expected,” wika ni Baldoz.


Sinabi naman ni Citizenship and Immigration Canada Minister Chris Alexander, alam ng kanilang bansa ang nararapat na pagpapahalaga sa live-in caregivers na nangangarap na magkaroon ng permanent residency matapos magawa ng maayos ang kani-kanilang obligasyon.


Maaaring mag-apply ng permanent residency sa Canada yaong caregivers na dalawang taon na sa serbisyo.


The post Pinoy caregiver sa Canada pwede na sa permanent residency appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinoy caregiver sa Canada pwede na sa permanent residency


No comments:

Post a Comment