KUNG noon ay super tikas ang TV personality na ‘to, ngayon ay para na raw itong basang sisiw na lulugo-lugo sa tuwing makikita ng kanyang mga kaibigan. Maging ang angas nito ay nawala na rin. At baka bukas makalawa ay makikita na lamang daw itong nagsasalita nang walang kausap.
Sa kabila kasi ng kayamanang hawak niya ay parang hindi pa raw ito masaya sa buhay niya. Hindi raw yata sanay itong hindi pinagkakaguluhan, pinupuri at pinapalakpakan.
May bisyo rin daw ito na ikinatalo na niya nang napakalaking halaga pero ayaw pa ring tumigil. Kahit pinagsasabihan na ng mismong may-ari ng lugar na pinaglilibangan nito ay sige pa rin daw ito sa kanyang bisyo. Tila hindi raw nito naiisip na baka maubos ang lahat ng kanyang pinaghirapan dahil sa paglalaro nang walang pakundangan.
Sana naman ay makapag-isip na ng maayos ang matulunging personalidad na ito bago masimot ang kanyang naipundar. Mag-relax lang siya at maghintay-hintay dahil sigurado namang makababalik siya kung saan siya maligaya.
***
“PAGPAG, SIYAM NA BUHAY” – PINANGUNGUNAHAN NG STAR-STUDDED CAST
KASABAY ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo nito, muling magsasama ang Star Cinema at ang Regal Films sa darating na holiday season.
Pinagsama ng dalawang higanteng film companies ang hottest young stars sa bansa ngayon sa Pagpag, Siyam Na Buhay – ang pinakamalaki at pinakanakakatakot na pelikula ng taon na ipapalabas sa darating na Disyembre 25.
Ang Pagpag ang kaisa-isang horror movie na lalahok sa pinakahihintay na 39th Metro Manila Film Festival. Pinagbibidahan ang pelikulang ito nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Paolo Avelino, Shaina Magdayao at Clarence Delgado kasama sina Matet de Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, Janus del Prado, at Marvin Yapsa sa direksyon ni Frasco Santos Mortiz at panulat ni Joel Mercado.
“Sobrang nakakatakot po ang Pagpag pero sa likod ng nakakikilabot na istorya nito ay ang mensahe na ang pagmamahal at pagsasakripisyo para sa pamilya ang pinakamalakas na puwersa sa lahat,” sabi ni Daniel.
Ayon naman kay Kathryn, bukod sa pagiging isang suspense-thriller, adventure movie rin ito na tiyak na magugustuhan ng lahat, “Pinapakita po ng pelikula namin ang age-old conflict ng mabuti laban sa masama at napaka-exciting pong makita ang paglalakbay ng aming mga karakter. Makikita po natin kung magwawagi kami o hindi.”
***
For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Dating TV personality nagwawala na dahil sa depresyon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment