KUNG gaano kaliit ang delegasyon ng Pilipinas sa 27th Southeast Asian Games (SEAG), ay siya namang laki ng halaga ang gagastusin nito.
Kabuuang P45 million ang pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa regional meet na magsisimula sa December 11 hanggang 22.
Ang kawalan ng direct flight mula Pilipinas hanggang Myanmar ang nagpalaki sa gastusin ng bansa.
Aabot sa 323 ang bilang ng Philippine delegates na kinabibilangan ng 210 atleta, 81 coaches, 17 secretariat at 15 medical personnel.
Una rito, may nakalaang P30 milyon pondo ng PSC para sa paglahok sa SEA Games kaya karagdagang P15 milyon ang huhugutin mula sa National Sports Development Fund.
The post P45M gastos ng Phl delegates sa 27th SEA Games appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment