Saturday, November 30, 2013

Mga residente ng Antique nagsi-evacuate sa Tsunami scare

ILANG residente sa Antique ang agad na nagsilikas sa kanilang mga bahay nang kumalat ang balitang may tatamang tsunami sa kanilang lugar sa pagkumpirma na rin ng provincial disaster management official.


Ani Broderick Train ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, agad din namang na-relax ang mga residente ng Antique ngayong umaga na agad na ring nagbalikan sa kanilang mga bahay nang wala namang naramdamang pag-atake ng tsunami.


“May nangyari na balita rito, nagkalat na may tsunami sa aming lalawigan. Ito nag-create ng di magandang nangyari, nag-panic ang tao lalo sa northern Antique,” ani pa ni Train.


Inaalam pa nila kung sino ang nagpasimula ng tsunami scare.


Ani Train, dahil sa balita ay nag-panic ang mga residente sa lalawigan dahil na rin sa trauma sa kanilang naranasan sa paghagupit noon ng super typhoon Yolanda.


Dagdag pa ni Train na dahil sa balita ay alas-4 pa lang ng madaling-araw ay nagsilikas na ang mga residente sa takot.


Na-relax lamang aniya ang mga ito nang magpalabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang ganoong pangyayari.


The post Mga residente ng Antique nagsi-evacuate sa Tsunami scare appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga residente ng Antique nagsi-evacuate sa Tsunami scare


No comments:

Post a Comment