Thursday, November 28, 2013

Contractor sa Malampaya project kinasuhan ng tax evasion

KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang isang contractor ng Malampaya Infrastructure Projects.


Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, partikular na ipinagharap ng reklamong paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 si Bella Tiotangco, may-ari ng BCT Trading and Construction na nakabase sa Sitio Digiboy, Guadalupe, Coron, Palawan.


Ang BCT ay kinuha ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para magtayo ng ilang infrastructure Project na pinondohan ng kita mula sa Malampaya noong 2008.


Para sa nabanggit na taon, ang idineklarang kita ni Tiotangco batay sa kanyang Income Tax Return ay P167.77 milion.


Magkagayunman, sa pag-iimbestiga ng BIR batay na rin sa kanilang mga nakuhang tseke, disbursement voucher at official receipt na inisyu ng BCT, lumitaw na si Tiotangco ay kumita ng P401.48 million.


Sa nasabing halaga, P330.36 million ay bilang kabayaran mula sa Provincial Government ng Palawan at P52.95 million ay ang kinita naman nito mula sa Philippine Ports Authority bilang kabayaran sa konstruksyon ng Roro ramp sa Port of El Nido sa Palawan.


Dahil dito, sinabi ni Henares na aabot sa P227.21 million ang kabuuang utang sa buwis ni Tiotangco.


The post Contractor sa Malampaya project kinasuhan ng tax evasion appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Contractor sa Malampaya project kinasuhan ng tax evasion


No comments:

Post a Comment