Friday, November 29, 2013

Heat kumadena ng 9 “W”

LUMIYAB sa nine-game winning streak ang Miami Heat matapos lapnusin ang Toronto Raptors, 90-83 kanina sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.


Humarabas ng 27 points, anim na rebounds at tatlong assists si four-time NBA MVP LeBron James upang ilista ang 13-3 win-loss slate at manatiling nasa unahan ng Southeast division.


Pinilit kumawala ng two-time defending champions Heat sa mahigpit na kapit sa kanila ng Raptors subalit hindi ito natupad at nanatiling dikitan ang labanan hanggang sa pagtunog ng final buzzer.


”We would have loved to push that huge lead up in the third and just keep it going but they’ve got some good players,” ani star player James. ”They got stops, we turned the ball over, we didn’t execute and they got back into the game. But we finished it out.”

Ayon sa Heat coach Erik Spoelstra, dismayado ang kanyang koponan dahil tumipa lang sila ng 4-of-18 sa field sa payoff period.


”I told the guys we certainly have to get better when we have leads that are over 15, to be able to close out and focus and maintain that same type of intensity,” wika ni Fil-Am coach Spoelstra.


Bumanat din si Dwyane Wade ng 22 pts., seven rebounds at six assists upang ilapit ang Heat sa nangungunang Indiana Pacers sa Eastern Conference.


May naitala ng 15-1 record ang Pacers matapos pagpagin ang Washington Wizards, 93-73.

Sa ibang resulta, naitakas ng Oklahoma City Thunder ang manipis na 113-112 overtime win laban sa Golden State Warriors.


Sumablay sa 7-foot floating jumper si Kevin Durant may 11.9 segundo na lang sa overtime, na rebound si Serge Ibaka at saka tumira ngunit sablay pa rin may 5.0 segundo na lang.


Natapik naman ni Thabo Sefalosha ang bola sa kakamping si Russell Westbrook upang isalpak ang pandiin na tira at kunin ng OKC ang panalo.


Samantala, tinambakan ng San Antonio Spurs at Houston Rockets ang kanilang nakatunggali.


Pinaluhod ng Spurs ang Orlando magic, 109-91 habang pinataob ng Rockets ang Brooklyn Nets, 114-95.


The post Heat kumadena ng 9 “W” appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Heat kumadena ng 9 “W”


No comments:

Post a Comment