Friday, November 29, 2013

Permanenteng trabaho, naghihintay sa ‘Yolanda’ victims

Ni Samuel P. Medenilla


May 400 permanenteng trabaho ang naghihintay para sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ sa Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).


Ito ang inihayag noong Martes ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz habang parami nang parami ang mga local at overseas company na nagpapahayag ng interes na magbigay ng trabaho sa mga biktima ng bagyo.



Sinabi ng kalihim na inihayag ng San Vicente Dressing Plant Corporation, isang malaking poultry dressing plant sa Pangasinan, na handa itong tumanggap ng may 100 mangagawa na nawalan ng trabaho sa Samar at Leyte.


Ang San Vicente Dressing Plant Corporation ay pag-aari ng Kenwood Holdings Group.


Sinabi ni Baldoz na ang mga interesadong aplikante ay tatanggapin ng Kenwood sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


“The regional office and the Kenwood Holdings representatives will conduct recruitment and selection at identified relocation sites. Those who will be hired will be brought by the company for free from the relocation site to their workplaces. The company will induct and orient the successful applicants,” paliwanag ni Baldoz.


Ang mga matatanggap ay bibigyan ng regular na trabaho bilang truck driver, helper, office personnel, checker, quality control technician, processing crew, cashier at maintenance mechanic sa San Vicente Dressing Plant.


Ayon kay Baldoz, kumpleto ang mga benepisyong tatanggapin ng mga manggagawa mula sa Kenwood, kabilang ang minimum na suweldo sa Pangasinan at iba pang statutory mandatory wage-related benefits; pabahay, uniporme at ekstrang damit, tulong medical kung kinakailangan, at pagkain hanggang sa matanggap ang unang sulwedo.


Sinabi naman ni Nicon Fameronag, tagapagsalita ng DoLE, na tatanggap din ang isang employer mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ng hanggang 300 biktima ng bagyo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Permanenteng trabaho, naghihintay sa ‘Yolanda’ victims


No comments:

Post a Comment