Thursday, November 28, 2013

It’s about keeping things private!

HINDI maiwasan na itanong kina Kris Aquino at Vic Sotto sa presscon ng My Little Bossings kung posibleng maging sila kung wala si Pauleen Luna.

May mga tsismis kasi nu’ng araw na muntik nang maging sila pero naudlot.


Mas maganda raw na maging friends na lang sila dahil hindi magkakaroon ng My Little Bossings kung hindi ganito ang relasyon nila.


Nagkakabiruan pa nga na ‘manager na walang komisyon’ si Kris kay Vic dahil kinulit talaga niya ito na mag-renew ng contract sa isang soap commercial.


Kinukulit din ngayon ni Kris si Bossing na pumayag na sa offer sa kanila na gumawa ng isang sitcom sa isang network. Si Kris kasi ay agresibo ‘pag may ganitong work na dumarating. Pero si Vic naman ay nagsasabing ‘easy lang’.


Samantala, tinanong si Kris kung iimbitahan ba niya o payag siya na dumalo ang ex-husband niyang si James Yap sa premiere night ng My Little Bossings dahil first movie ito ng anak nilang si Bimby.


Isang mabilis na ‘NO’ ang sagot niya.


Ang My Little Bossings ay filmfest entry na kasama rin si Ryzza Mae Dizon.


-0o0-


IDOL pala ni Charee Pineda sina Glaiza de Castro at Angelica Panganiban sa pagiging maldita at kontrabida.


Kontrabida ba si Angelica?

“Hindi, hindi pero ‘pag may mga roles siya na maldita, kayang-kaya niya. Tapos ‘pag may roles na mabait, kaya niya rin kaya medyo siya ‘yung inaano ko,” paliwanag niya.


“Tapos napanood ko si Glaiza, ang galing niya! Kasi minsan nakatayo lang siya pero feel mo ‘yung galing niya. Napanood ko ‘yung sa kanila ni Marian (Rivera), ‘yung Temptation of Wife,” dagdag pa ni Charee.


Zero raw ang lovelife ni Charee ngayon.


“Kasi kakagaling ko lang din sa relationship, e, pero open naman ako so hindi ko kino-close ‘yung sarili ko sa panibagong relationship. Pero as of now, wala pa. Pero may dine-date ako pero he’s not from showbiz,” aniya.


Bakit natsitsismis sila ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian?

“Kasi nu’ng SK pa lang ako nali-link na kami kaya lang siguro, dahil iisa lang kami ng partido, e. Under ako sa kanila kaya siguro namamali,” sambit pa ni Charee.


-0o0-


HANGGANG ngayon ay tahimik si Lovi Poe pagdating sa kanyang lovelife. Palaisipan pa rin kung ano ang status nila ngayon ni Rocco Nacino at hindi pa rin namamatay ang isyu na nagkabalikan na sila ni Cong. Ronald Singson.


“I rarely say anything, e, kaya ako natatawag na nagde-deny,” reaksyon niya.


“Kaya nga people get me wrong, na I always deny things. But the fact is, the truth is, I just don’t wanna say anything kasi siyempre parang out of respect na lang sa kung sinoman ‘yung, if it’s about relationships, kung sinoman ‘yung nakarelasyon ko.”


“It’s not about denying things, it’s about keeping things private. “Kumbaga I know na I’m a public figure pero siyempre there are things that I wanna keep din for myself and a lot of people know naman na what you see is what you get,” deklara pa niya.

Sige na nga!


The post It’s about keeping things private! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



It’s about keeping things private!


No comments:

Post a Comment