Thursday, November 28, 2013

Jake Vargas at PolyEast Records, binastos at ininsulto ang Kapuso actor/singer na si Ken Chan!

WE have nothing against Jake Vargas pero parang kulang naman talaga siya sa tamang asal. Na porke nagkabalikan sila ng kinaeelyahang girlfriend na si Bea Binene, nagawa ng young actor na pumayag na umeksena sa mall show nina Bea at Ken Chan sa isang sikat na mall sa Manila na part ng promotion ng album ng dalawa under PolyEast Records.


Sige, granting na inimbita nga siya (Jake) ng mga taga-PolyEast pero kung ayaw niya, pwede naman siyang humindi bilang respeto sa mga may album.


Pero hindi ‘yan ang ginawa ng bansuting young actor kundi nang-asar pa nang makipag-duet kay Bea sa finale ng naturang mall show.


Maswerte ang lalaking ito at may breeding si Ken at pinalampas na lang ang ginawa niya rito. Saan ka ba naman kasi nakakita na si Ken at Bea ang may album kung saan anim na songs ang ginawa ni Ken na dalawang solo ng gwapong actor/singer at apat naman bale ‘yung duet nila ni Binene. Bakit ganito ang naging treatment ng PolyEast kay Ken? Nasaan ang respeto nila sa mahusay na Kapuso actor?


Well, hindi natutulog ang Diyos. Hayan at patuloy niyang binibigyan ng maraming blessings ang protegee ni Manny Vallester na napanood ng whole month of November sa Maynila ni ex Manila Mayor Lito Atienza. Iba-ibang Kapuso actress ang naka-partner dito ni Ken.


Suportado ang aktor ng die-hard fans na Ken-dy’s. Mamatay na lang kayo sa inggit gyud!


FANS DAY NI CLAUDINE BARRETTO SUCCESSFUL, AKTRES NAPAIYAK SA SOBRANG TOUCHED


NGAYONG month ay ipinagdiriwang ni Claudine Barretto ang kanyang 21st Anniversary sa showbiz at sa tagal ng aktres sa industriya ay isa sa pinahahalagaan nito ay ang kanyang Claudinians mula sa iba’t ibang parte ng Pinas at iba pang mga bansa.


Ang sarap magmahal ng fans ni Clau kaya naman hanggang ngayon ay love na love siya ng mga ito.

For 17 years ay yearly nagdaraos ng kanyang Fans Day ang aktres kung saan ito ang paraan niya para makasama ang mga tagahanga at makapagpasalamat nang personal sa lahat ng mga suportang ibinibigay sa kanya ng mga ito.


At two weeks ago, isang masayang Fans Day ang pinagtulungang i-organize ni Claudine, ng kanyang fans at isa pang taong malapit sa kanyang puso dahil sa laki ng naitulong nito sa kanya lately.


Ginanap ito sa Center Stage riyan sa may Timog at bongga ang attendance dahil dumating ang Claudinatics Australia, US, Asia, Europe, UK, Middle East at Philippines kaya punom-puno ang venue.


Paglabas ni Clau ng stage, sinalubong siya ng malakas na palakpakan at ramdam mo na sobrang na-miss siya ng mga tagahanga. Sa sobrang touched sa ipinakita ng fans na nangakong hindi siya iiwan sa kanyang mga laban ay hindi napigilan ni Claudine ang hindi maluha.

Nag-effort din ang mga supporter para mabati si Clau ng mga dating kasamahan sa Kapamilya network na sina Gabby Concepcion, Piolo Pascual, Leandro Muñoz, Vhong Navarro atbp.


Nagkaroon ng kantahan at chikahan with the entertainment press.


Tuwang-tuwa naman ang lahat sa announcement ni Claudine na malapit na ang pagbabalik showbiz nito kung saan inaantay na siya ng Star Cinema at ng Viva Films. Kasama ng aktres sa event ang dalawang anak na sina Santino at Sabina na nakatanggap din ng mga regalo mula sa fans.

Sobrang sarap pala ng food sa nabanggit na affair na si Claudine mismo ang nagluto kaya na-enjoy namin nang husto ng mga kapwa reporter.

Matutupad na ang comeback na ‘yan ni Clau lalo pa’t mapapahinga na siya next year sa

mga kasong isinampa laban sa ex na si Raymart Santiago. Girl, go go go gyud!


BUSTAMANTE FAMILY NG CANDELARIA, QUEZON WAGI NG P75K SA JACKPOT ROUND NG PAMILYANG PINOY HENYO


LAST Friday, tatlong pamilya na mula sa tatlong lugar sa Luzon ang naglaban-laban sa jackpot round ng Pamilyang Pinoy Henyo sa Eat Bulaga.

Pagdating sa jackpot round ay nanguna ang Bustamante family sa score na 1 minute and 27 seconds kontra sa Gimena family ng Bulacan with 2 minutes same with Lambenco family ng Laguna na 2 minutes din ang siyang na-consume. At dahil ang Bustamante family nga ang mabilis na nakasagot sa mga pinahulaang bagay nina Bossing Vic Sotto at Pinoy Henyo Master Joey de Leon ay sila ang nanalo ng jackpot prize na P75K.


Noong Miyerkules naman, mula pa sa Mindanao sa Agusan del Sur ang naglaro sa jackpot round ng Pamilyang Pinoy Henyo. Sila ay ang Mompar Family na nakapag-uwi ng halagang P30K.


Hindi rin naman umuwing luhaan ang kanilang mga nakalaban na Padal family ng Davao at Zamboanga na Tubigon family.


The post Jake Vargas at PolyEast Records, binastos at ininsulto ang Kapuso actor/singer na si Ken Chan! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jake Vargas at PolyEast Records, binastos at ininsulto ang Kapuso actor/singer na si Ken Chan!


No comments:

Post a Comment