Thursday, November 28, 2013

Pagpapatigil sa Yolanda aid, ipinaubaya sa DSWD

Ni Mary Rose A. Hogaza


Sinabi ng Palasyo noong Martes na binigyan nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karapatang magdesisyon kung kailan ititigil ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng super typhoon “Yolanda.”


Bago nito, inihayag ni Soliman sa panayam sa DZMM na ititigil nila ang pamamahagi ng relief goods ng gobyerno para sa mga biktima ng super typhoon “Yolanda” sa Disyembre.



“Since the DSWD is coordinating the relief efforts on the ground, we defer to Secretary Soliman and her team with regard to this request,” sabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. matapos umapila si Leyte Governor Dominic Petilla sa DSWD na huwag itigil ang relief distribution.


Sinabi ni Petilla na dapat magpatuloy ang pamamahagi ng relief dahil isang milyong indibidwal pa ang nangangailangan pa rin ng tulong.


Sinabi ni Coloma na kumpiyansa siya na gagawin ng gobyerno partikular ang DSWD ang nararapat.


“Nagtitiwala po tayo sa kakayahan at kaalaman ng ating DSWD. Nagtitiwala kami na ang kanyang ginagawa ay ang nararapat. Nakatitiyak din kami na si Secretary Soliman ay ginagampanan ang kanyang tungkulin sa propesyunal na paraan,” sabi ni Coloma.


Sinabi rin ni Coloma na magkakaloob ang gobyerno ng kabuhayan sa mga biktima ng Yolanda.


Idinagdag niyang pinalawak na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang emergency employment program nito.


Sinabi ni Soliman na binabalak nilang itigil ang pamamahagi ng relief upang tulungan ang mga biktima na tumayo sa sariling nilang mga paa.


Ipinaliwang niyang bukod sa pamimigay ng relief goods, nais ngayon ng gobyerno na tulungan ang mga biktima na makahanp ng trabaho upang mabili nila ang kanilang mga pangangailangan, na maaaring hindi na pagkain. Sinabi niyang ipinatupad na ng kanyang departmento ang cash for work program para sa mga biktima ng bagyo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagpapatigil sa Yolanda aid, ipinaubaya sa DSWD


No comments:

Post a Comment