Thursday, November 28, 2013

Mahal kahit sumpungin

NASA Pinas na pala si Gretchen Barretto at marami pa siyang pasabog kay Claudine Barretto. Kinikimkim lang niya at itinatago.


Pero buong ningning na sinabi ni Gretchen na ready siyang tumestigo ‘pag ipapatawag siya ng korte laban kay Claudine. Handa raw siyang mag-testify para kay Raymart Santiago. Wala raw siyang takot na ilahad ang katotohanan.


-0o0-


NAKATSIKAHAN namin si Jenny Miller para sa huling linggo ng afternoon serye ng GMA 7 na Pyra Babaeng Apoy. Si Jenny ay matalik na kaibigan ni Claudine simula nang magsama sila sa seryeng Marina.


Naging bridesmaid pa nga siya sa kasal nina Claudine at Raymart Santiago sa Tagaytay. Naging ninong at ninang naman ni Jenny ang mag-asawa nang ikasal siya.


Kumare at kumpare rin niya ang mag-asawa.

Pero nakapagtataka na last year pa raw na hindi sila nagkakausap ni Claudine.


“Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta wala, walang communication. Hindi kasi ako ‘yung tipo ng friend na ‘yung ipiprisinta ang sarili,” matipid na pahayag ni Jenny.


May something na nangyari sa friendship nila?

“Meron din, pero hindi na kailangang i-elaborate pa. I mean, normal naman na nangyayari sa kaibigan ‘yun, ‘di ba,” pag-amin ng aktres.


Hindi niya alam kung may tampo si Claudine sa kanya dahil masaya pa ang huling pagkikita nila last year. Basta nandiyan lang daw siya para sa aktres. Pero ayaw raw niyang ma-involve sa gulo ng pamilya dahil kaibigan din niya ang mga kapatid ni Claudine, love niya ang mga pamangkin nito gaya nina Julia at okey naman sila ni Raymart.


Na-encounter din ba niya ang pagiging sumpungin ni Claudine?

“Mahirap, mahirap ‘yung mood swing. Kaya kailangan, kapag kasama mo siya, titimplahin mo. Pero napakisamahan ko naman. Nakaya ko naman for, like, ten years,” deklara niya.


Hindi naman daw siya napagod kay Claudine pero may mga priority na siya ngayon sa buhay dahil may asawa na rin siya.


Basta ngayon, mahal daw niya si Claudine bilang isang kaibigan.


-0o0-


PINAG-UUSAPAN pa rin ang pagtawag ni Marian Rivera ng ‘kabiyak’ kay Dingdong Dantes sa 1st Gintong Palad Public Service Awards.


Nangangamoy kasalan tuloy ang mangyayari next year.

“Echos lang! Pinakilig ko lang. Kasi ang kulit ni Kuya Robin nu’ng araw na ‘yun. Parang sigaw kasi nang sigaw. So, niloloko ko si Kuya Robin. Pero sa totoo lang, ang aking minamahal o ang aking nobyo, pinakilig ko lang sila. Kasi tumitili sila nu’ng sinabi ‘yung pangalan ni Dong. So, pinakilig ko lang ang mga tao roon!” paliwanag ni Marian.


Speaking of Dingdong, humahataw ang kanyang seryeng ‘Genesis’ ng GMA 7. Lalong nag-aalab ang love triangle nina Dingdong (Isaak), TJ Trinidad (Paolo) at Rhian Ramos (Raquel).


Samantala, isang coup nga ba ang pinaplano ni Ramona (Jackielou Blanco) laban sa presidente?

Malalaman din ni Sandra (Lorna Tolentino) na patuloy ang pag-defect ng mga tao sa military at pumapanig ang mga ito kay Ramona dahil sa pag-aakalang magkakaroon sila ng slot sa Genesis.


Magkakailangan din sina Raquel at Helen (Isabelle Daza) dahil sa tanong kung may relasyon ba si Isaak at si Helen. Ipagtatapat na rin kaya ni Raquel kay Osie na si Isaak ang tunay niyang ama? Panahon na ba para malaman niya ang totoo?


‘Yan ang abangan.


The post Mahal kahit sumpungin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mahal kahit sumpungin


No comments:

Post a Comment