Thursday, November 28, 2013

Abaniel, magbabalik sa lona ng parisukat

Tatangkain ni dating Women’s International Boxing Association (WIBA) minimumweight champion Gretchen Abaniel ng Pilipinas na mahablot ang World Boxing Association (WBA) female Atomweight title sa kampeong si Ayaka Miyao sa 10 rounds na sagupaan ngayon sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.



Galing sa tatlong sunod na panalo, matapos mabigong sungkitin ang IBF at WBO female minimuweight titles kina Katia Gutierrez ng Mexico at Terraporn Pannimit ng Thailand, ito ang unang laban ni Abaniel sa Japan matapos kumasa sa mga bansang China, South Korea, Thailand, Mexico at ang pinakahuli ay sa Australia.


Minsan na ring tinangkang kunin ni Abaniel ang WBA female minimumweight title pero nang binubugbog na niya ang kampeong si Cho-Rong Son ay biglang itinigil ng referee ang laban kaya nanaig ang South Korean sa 4th round technical decision.


May record si Abaniel na 13-4-0 (win-loss-draw) na may 4 panalo sa knockouts samantalang si Miyao na minsan pa lamang lumaban sa labas ng kanyang bansa ay may kartadang 15-5-1 (win-loss-draw) na may 1 pagwawagi sa knockout. – Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Abaniel, magbabalik sa lona ng parisukat


No comments:

Post a Comment