Wednesday, November 27, 2013

Miss World 2013 Megan Young nasa bansa na

NASA bansa na si Miss World 2013 Megan Young matapos ang tagumpay na fundraising na isinagawa sa United States, Hong Kong at Indonesia na iniaalay niya sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.


“My main goal this year is to help those people in Leyte, in eastern and western Visayas. Tinitingnan namin kung ano yung pwede naming gawin as an organization,” anang Young sa isang press briefing makaraang dumating nitong Miyerkules ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.


Si Young, na dumating kasama ang Miss World official na si Steve Douglas, ay personal na ihahatid ang pondo na nalikom niya sa patuloy na kampanya para maitulong sa mga taong biktima ng bagyo.


Bilang bahagi ng kanyang humanitarian mission sa tulong na rin ng Philippine Red Cross, bibisitahin nito ang lugar kung saan may mga apektadong pamilyang nanatili doon, gayundin sa Coron, Palawan, kabilang na rin ang mga biktima ng lindol sa Bohol.


Ayon kay Megan, umabot sa mahigit na $125,000 at pledges ang nakolekta sa fundraising.


Sa New York, ang Philippine Independence Day Council sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Fe Martinez, ay nagbigay ng tseke na nagkakahalaga ng $20,000. Sa isinagawang fundraising event sa Hong Kong, hinimok ni Megan ang mga Pinoy doon na mag-donate ng mga damit at cash.


Sa pagbisita niya sa Jakarta, Indonesia, isang herbal remedy manufacturer Sido Muncul, ang nagbigay ng $20,000, habang may ipinaabot dito ang $10,000 mula sa isang local law na ayaw mapangalanan.


Isa pang Indonesian na nakilalang si Miss Indonesia Director Liliana Tanoesedibjo ang nag-abot ng tseke kay Megan na may halagang $50,000, habang personal na nagbigay si MNC Group CEO Harry Tanoesedibjo ng $20,000 na donasyon, at tumanggap pa si Megan ng karagdagang $5,000 mula sa ibang donors.


Mananatili sa bansa hanggang December 3 si Megan bago bumalik sa London bilang bahagi ng charity work ng Miss World.


Noong nakaraang October 31, siya at si Julia Morley, chairman at CEO ng Miss World Organization, ay nasaktan makaraang mahulog ang dalawa mula sa stage na inilagay sa orphanage na binisita nila sa Port-Au-Prince sa Haiti.


Nagtamo ng mga gasgas si Megan habang si Morley ay lubhang nasaktan at sumailalim sa hip surgery sa Miami, Florida.


The post Miss World 2013 Megan Young nasa bansa na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Miss World 2013 Megan Young nasa bansa na


No comments:

Post a Comment