Wednesday, November 27, 2013

1.1M bahay, nasira ng ‘Yolanda’

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa 1,103,628 bahay ang sinira ng bagyong ‘Yolanda’ sa siyam na rehiyon sa bansa.


Naitala sa 9.9 milyong residente ang nawalan ng bahay at nasa 3.3 milyon dito ang nagsilikas sa mga evacuation center habang ang iba ay nakikituloy sa kani-kanilang kamag-anak sa Metro Manila.



Tinukoy ng NDRRMC na sinalanta ng super bagyo ang Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11, at CARAGA.


Batay sa report ng NDRRMC, higit na malaking pinsala ang naidulot ng Yolanda sa Tacloban City, sa mga karatig-lugar nito sa Leyte, ilang lugar sa Eastern Eastern at Western Samar ng Region 8, na umabot sa 461,206 .


Kinumpirma pa sa ulat sa naturang bilang ng mga nagibang bahay ay nasa 530,479 ang tuluyang nawasak habang nasa 573,149 ang bahagyang nasira.


Sa lungsod ng Tacloban, umabot sa 58,823 bahay ang nasira.


Kinumpirma rin ng NDRRMC na umabot na sa 5,240 ang opisyal na bilang ng mga nasawi, nasa 25,615 ang nasugatan habang nasa 1,613 ang nawawala.


Sa taya ng NDRRMC, nasa P24.5 bilyon na ang pinsala ng kalamidad na kinabibilangan ng P13.1 bilyon sa imprastruktura at P11.3 bilyon sa agrikultura.


Nagpapatuloy pa rin ang relief at recovery operation sa Tacloban City. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1.1M bahay, nasira ng ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment