Wednesday, November 27, 2013

Lakers nakabawi sa Brooklyn

ISANG tie-breaking dunk sa natitirang 1:35 ng laro mula kay Wesley Johnson ang nagpanalo sa Los Angeles Lakers kontra Brooklyn Nets, 99-94.


Una rito, sinayang ng Lakers ang early 27-point lead.


Nagtala naman ng season-high na 26 points si Nick Young para tanghaling “most productive bench” ng koponan.


Si Pau Gasol ay mayroong 21 points para pa rin sa Lakers.


Pinangunahan naman ni Joe Johnson ang Nets sa kaniyang 18 points.


Nakapagtala naman ng back-to-back wins ang Orlando Magic matapos talunin ang Philadelphia 76ers, 105-94.


Gumawa ng 21 points at 16 rebounds si Nik Vucevic para pangunahan ang panalo ng koponan.


Si Glen Davis ay mayroong 19 points habang tig-18 puntos naman ang ambag nina Arron Afflalo at Victor Oladipo.


The post Lakers nakabawi sa Brooklyn appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lakers nakabawi sa Brooklyn


No comments:

Post a Comment