Wednesday, November 27, 2013

Miriam inupakan ni Enrile sa pagiging ‘bar flunker’

HINDI na nakatiis si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa sunod-sunod na akusasyon ni Senador Miriam Defensor-Santiago na nagsasabing siya ang utak sa P10-B pork barrel scam at pagkubkob ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.


Sa kanyang privilege speech kanina, Nobyembre 27, sinabi ni Enrile na naiinggit lamang si Santiago sa kanya dahil halos puwede na itong taguriang “bar flunker” dahil halos bumagsak ang senador sa pagsusulit sa bar kahit cum laude sa University of the Philippines.

“Sa aking kaalaman, siya lang ang cum laude na halos bumagsak sa bar examination na galing sa UP,” pahayag ni Enrile sa period of interpellation kanina matapos ang kanyang privilege speech.

Nang tanungin ni Senador Jinggoy Estrada si Enrile kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ng senadora, sinabi ng 89-anyos na senador na “inggit” ang dahilan dahil sa mas mataas ang marka nito sa bar examination kesa sa kanya.

“Palagay ko po naiinggit, dahil mataas ang grado ko sa bar examination [kesa kanya],” sambit ni Enrile.

Sabi ni dating Senate President, halos 91% ang kanyang nakuha sa bar examination malayo sa 76% na nakuha ni Santiago noon.

“Alam mo ang nakuha kong grado ay almost 91% pero di ako naging top notcher. Taga-Nueva Ecija ang kasama sa Top 10, ako No. 11 lang,” wika ni Enrile.

“Ngayon dito sa kanya [Santiago], di ko malaman, nakapagtataka sa kanyang bar examination, ang ating kasalukuyang pangulo ng Senado ay taga-Iloilo siya ay top notcher yun namang kasama natin na senadora dito eh siya naman almost bar flunker, taga Iloilo rin cum laude, yung cum laude sa UP ha,” sabi pa ni Enrile.

Ang tinutukoy ni Enrile ay si Senate President Franklin Drilon na pumangatlo sa bar examination na taga-Iloilo rin at kasabay ni Santiago na kumuha ng pagsusulit noon.


The post Miriam inupakan ni Enrile sa pagiging ‘bar flunker’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Miriam inupakan ni Enrile sa pagiging ‘bar flunker’


No comments:

Post a Comment