Wednesday, November 27, 2013

BONIFACIO, FIRST PRESIDENT

SA Sabado ay birthday ni Andres Bonifacio, ang unang Pangulo ng bayan na kung tawagin ng mga Kastila ay Pilipinas in honor of King Felipe, isang malupit na mananakop noong panahong iyon.


Nang matalo ng mga Amerikano ang Espanya, hinirang ng Amerika si Manuel Quezon as Commonwealth President.


Nagkaroon ng eleksiyon at tumakbo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo pero halos bokya ang nakita niyang boto dahil siya raw ang nagpapatay kay Bonifacio.


Nang maging Presidente si Diosdado Macapagal noong 1961, ay ginawa niyang first President si Aguinaldo at binago niya ang Independence Day from July 4th to June 12, ang araw raw ng first proclamation of independence under the American protectorate sa Kawit, Cavite.


Kawawang Bonifacio. Tinepok na nga si Bonifacio ng grupo ni Aguinaldo ay inagaw pa ni Macapagal ang titulo ng supremo.


Bakit ganoon na lamang ang paghanga ni Macapagal kay Aguinaldo? Isang Macapagal kasi ang nautusan ni Aguinaldo na patayin si Bonifacio.


Ang kumalabit ng gatilyo ay si Gen. Lazaro Macapagal ng Pampanga, isang masugid na loyalista ni Aguinaldo.


May bandwagon na ngayon na nagsusumikap ang mga historian na itama ang ating kasaysayan.

Pati na rin ang matagal nang controversy na ang tunay na national hero ng Pinas ay si Bonifacio at hindi si Jose Rizal.


Isang estudyante ng medisina sa Universidad del Sto. Tomas si Rizal na biglang nag-dropout at tumulak patungo sa Spain para mag-lobby na gawing isang probinsiya ng Spain ang Pinas at maghalal ng mga congressman.


Anyway, sana ay ma-correct na ang ating kasaysayan na lalong pinalabo ng text book writers na malakas sa gobyerno.


Kawawa talaga ang supremo na tinatawag na ama ng himagsikan na ipinanganak noong November 30, 1863 at pinatay noong May 10, 1897 sa Maragondon, Cavite. Pati ang kanyang bahay at lupa sa Tutuban, Tondo ay inangkin na rin ng gobyerno.


The post BONIFACIO, FIRST PRESIDENT appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BONIFACIO, FIRST PRESIDENT


No comments:

Post a Comment