Thursday, November 28, 2013

Karangalang walang linaw!

ANG daming nag-react sa balitang frozen ang mga asset ni congressman World Boxing champ na si Manny Pacquiao.


Ano-ano na raw ang nangyayari ngayon sa ating gobyerno? Imbes daw na maraming matutulungan na mga nasalanta sa nakaraang kalamidad gawa ng bagyong si Yolanda, saka naman nila ginipit ang nagbibigay ng karangalan ng ating bansa.


Nangako si Cong. Manny Pacquiao na matapos lamang ang kanyang laban kay Brandon Rios ay dadalaw siya sa Kabisayaan at mamimigay ng tulong. Ang kaso, hindi na yata matutupad ‘yon dahil wala siyang makukuhang kuwarta sa banko dahil pinrosin ito ng ng Court of Tax Appeal sa mga balita.


Sus naman! Para rin silang si Yolanda na walang puso. Bakit hindi na muna pagbigyan ang ating pride ng Pilipinas na makapamahagi na muna ng perang tulong sa ating mga kababayan sa Visayas at saka na lang nila pag-usapan kung anoman ang atrasong tax ni Cong. Manny.


Ang hirap kasi, ang daming umeepal at sisikat nga naman sila at magkakapangalan.


Imagine mo nga naman, madyadyaryo ka at nakabalandra ang mukha sa telebisyon. Kami rin, hindi namin gusto ang ginagawa nila kay Cong. Manny na masyado nang napupulitika. Kung ako kay Cong., ‘di na lang magboksing para wala nang mai-tax ang gobyerno.


Speaking pala of support ng gobyerno, ang mga ipinamamahaging mga relief goods nila ay hindi naman lahat nabahaginan ng tulong, specially sa aming bayan ng Barugo, Leyte. Ang pagkakaalam namin na dumating na tulong sa kanila ay nanggaling sa mga taga-Barugo rin na nakatira sa iba’t ibang parte ng mundo particularly ng United States of America at ang asosasyon nilang Circulo Barugueño na pinangungunahan ng kanilang presidente na si Jorge Aruta, Jr., dating opinion editor ng Inquirer.


Meron ding nagtatanong kung nakarating din ba ang tulong ng isa pang boxing champion na si Nonito Donaire sa pagkapanalo nu’ng nakaraang laban nito.


Kasi, nang manalo si Donaire, nagsabi siyang iaalay niya ang kanyang panalo sa mga typhoon victim. Or baka naman inihahandog lamang nito ang karangalan na nakuha niya. Karangalang wa- lang linaw kung kuwarta ang kanyang ihahatag. -0-


NITONG nakaraang Star Awards for TV, natuwa naman kami na nakuha ni Marian Rivera ang Best Actress Awards na ikinataas daw ng kilay ng mga fan na ayaw sa aktres at masyadong naiinggit sa karangalan na tinamo nito.


Sa mga fan na ang mentalidad na panahon ng Nora/Vilma era, aba’y mag-move-on na kayo. Sa mga nanalong deserving sa Star-Award for Television, congratulations ang masasabi ko sa mga deserving. Ciao, Bambino!


The post Karangalang walang linaw! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Karangalang walang linaw!


No comments:

Post a Comment