Wednesday, November 27, 2013

Pasko ipagdiwang pa rin – CEAP

DAPAT pa ring ipagdiwang ng mga Katoliko ang tunay na diwa ng Pasko kahit pa nagdesisyon ang mga ito na huwag na lamang magdaos ng Christmas parties, bilang pakikiisa sa mga survivor ng super bagyong Yolanda.


Ito ang payo ni Fr. Benny Tuason, director for `Ecology ng Archdiocese of Manila, kasunod ng pahayag ng mga miyembro ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) National Secretariat at ilang pribadong kumpanya na hindi na sila magdaraos ng Christmas party at sa halip ay idu-donate na lamang ang perang gagastusin para ditto sa mga survivors ng super bagyo.


Iginiit ni Tuason na hindi lamang sa pamamagitan ng pagreregalo mararanasan ng mga tao ang tunay na adbiyento at Pasko, kundi higit sa pagpapasok kay Hesus sa mga puso.


“Forego Christmas party but please, celebrate Christmas. The Season of Advent is approaching and this is very important for us Catholics,” pahayag pa ni Tuason.


Binigyang-diin din naman ng pari na ang tunay na diwa ng Pasko ay walang kinalaman sa komersiyalismo kundi nasa pagtanggap at pagdanas kay Hesus.


The post Pasko ipagdiwang pa rin – CEAP appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pasko ipagdiwang pa rin – CEAP


No comments:

Post a Comment