Thursday, November 28, 2013

Sabi ni Luis Manzano, “My next one, will be the last”

HINDI diretsahang sinagot ni Luis Manzano ang pagtatanong sa kanya ng ilang press nang ma-corner siya sa PMPC Star Award for TV sa backstage ng AFP Theater tungkol sa balitang pag-iiwasan nila ni Jennylyn Mercado pagkatapos nilang maghiwalay.


Mas gugustuhin na lang daw niyang manahimik kaysa magbigay pa ng pahayag sa nasabing balitang nag-iiwasan. Mabibigyan lang daw ng ibang kahulugan ang anomang sasabihin niya.


“Anything I would say, even sa industry na ito, you may say the nicest thing about someone, mahahanapan ka pa rin ng mali ng mga makitid ang utak,” say ni Luis.


Pero malaki pa rin ang paniniwala ni Luis na magiging magkaibigan sila ni Jen pagdating ng tamang panahon.


Right now ay masaya raw siya sa kanyang career at personal life at magandang reward nga raw sa kanyang pinagdaanang problema ang pagkakapanalo niya bilang Best Game Show Host para sa Deal or No Deal sa katatapos lang na PMPC Star Award for TV.


Ito na lang daw ang karangalan na wala pa siya bilang host kaya fulfilling sa kanya ang na- tanggap na award.


Hindi naman ipinagdamot ni Luis sa ilang press na kausap na ibulgar, plano na niyang magpa- kasal next year.


Ang problema lang ay mukhang hindi raw siya nakatakdang magkaroon ng sariling pamilya.


“I`m 32 years old. Sana, sana. I don’t wanna say. Sana lang talaga. In fact, a friend told me just today (last Sunday), nag-message sa akin na parang, hindi ka ba nalulungkot na hindi ka pa kasal? And I even said, my next one would be the last one,” say na lang ni Luis.


@@@


SA backstage ng AFP Theater kung saan ginanap ang 27th PMPC Star Award For TV ay nakatsikahan namin sandali si Richard Gutierrez at malugod naman kaming pinagbigyan ng macho at guwapong aktor para sagutin ang tanong kung saang TV network siya pipirma ng kontrata.


“Actually, nagdesisyon talaga ako na this year ay wala muna akong pipirmahang exclusive contract sa TV network,” say ni Chard na kasama ang kakambal na si Raymond Gutierrez at mag-utol din na sina Toni at Alex Gonzaga na naging emcee that night ng Star Award.


Sa tsikahan pa namin sa aktor ay tila mas gusto niya kung pipirma siya uli ng kontrata sa alinmang network ay hindi na exclusive kundi per project na lang tulad ng ginagawa ni Michael V. na puwede kahit saang TV network lumabas dahil per project ang kontrata nito sa GMA 7 at TV5.


“Parang hirap kasi na nakatali ka ng three years sa isang network. Hindi ka makagalaw kapag may gusto kang gawing project. Not like kapag per project ka ay puwedeng magawa mo ang gusto mong project or show,” say pa ni Chard.


So, walang magaganap na pirmahan ng exclusive contract si Chard next year sa TV5, GMA 7 or even ABS-CBN kung may offer.


Tungkol naman sa lovelife ng aktor. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan na tanda na masaya si- ya kung anoman ang mayroon siya at kung totoo nga na may anak na sila ni Sarah Labhati.


Hindi na namin tinanong kung totoong may anak na sila ni Sarah bilang respeto sa aktor na pinagbigyan kami na makausap siya kahit na busy sa pag-host that night sa 27th PMPC Star Award for TV.


The post Sabi ni Luis Manzano, “My next one, will be the last” appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sabi ni Luis Manzano, “My next one, will be the last”


No comments:

Post a Comment