Wednesday, November 27, 2013

Cristine, magaling sa sex sex scenes; Gabby, yummy pa rin

CRISTINE Reyes and Gabby Concepcion


NAGULAT kami sa matitinding love scenes nina Gabby Concepcion at Cristine Reyes sa When The Love is Gone (Viva Films) na pinamahalaan ni Direk Andoy Ranay (ipinalabas na simula kahapon). Parang hindi naman halatang naalangan ang aktres sa aktor.



Sabi kasi ni Cristine sa presscon ng When The Love is Gone, naasiwa siyang gawin lahat ng love scenes nila ni Gabby, hindi naman daw niya ito boyfriend at naiisip niya si The Gabby Concepcion na malaki ang agwat ng edad sa kanya.


Pero nang mapanood namin ang pelikula sa premiere night noong Martes ng gabi sa SM Megamall, nagampanan ni Cristine ang role bilang other woman na hayok na hayok kay Gabby.


Sa istorya, ang aktres ang nagbibigay ng motibo kung saan sila magse-sex at nagulat kami dahil ang haba pala ng dila niya sa eksenang naliligo sila sa bathtub at pinainom niya ng wine si Gabby at saka niya dinilaan.


Lasing ba si AA nang gawin niya ang mga nasabing eksena? Kasi kung nasa tamang wisyo siya at alam niyang may ibang tao sa paligid at may kamerang nakatutok, talagang maiilang ka. E, parang sisiw lang sa aktres ang sex scenes at ang galing niya.


Nagulat din kami kay Gabby na kung kailan tumanda ay saka pumayag sa ganito kaiinit na love scenes kumpara noong bata-bata siya na maraming bawal.


Talagang naghubad siya sa When The Love is Gone na white underwear lang ang natira, ilang segundo ring naka-focus sa katawan niya ang kamera na ginaya pa ang UP Oblation.


Kaya naman halos lahat ng kababaihan at mga beki na nanonood ay panay ang hiyawan at tilian sa kapangahasan ni Gabby.


“Yummy pa rin ang lolo mo kahit golden boy na, puwede pa ring makakuha ng babae,” ang isa sa comments na narinig namin.


Oo nga, noong araw kasi ang magkapatid na William at Albert Martinez, nasirang Jimi Melendez at Alfie Anido ang mga tinaguriang sex symbol, boy next door ang image ni Gabby. Ngayon baliktad na, si Gabo na ang gumawa nito.


“So, hindi na solo ni Derek Ramsay ang pagpapa-sexy, dahil puwede pa si Gabby,” narinig pa naming kuwentuhan.


In fairness, puwede pang makipagsabayan si Gabby kay Derek, pramis.


Samantala, masyadong mataas ang acting ni Jake Cuenca sa mga simpleng eksena lang naman bilang bading na asawa ni Cristine kaya may dating na OA na.


Pero in fairness, ang galing-galing ni Jake bilang bading kaya nagkakatanungan ang viewers kung sino raw kaya ang peg ng aktor sa role niya.


Parang walang bago sa acting ni Andi Eigenmann na malditang mataray at hyper. Ilang beses na namin itong napanood sa ibang pelikula at serye niya. Napansin din namin na kamukhang-kamukha na niya ngayon ang nanay niyang si Jaclyn Jose.


Si Alice Dixson naman ay walang ginawa kundi gumawa ng muffins kaya nawalan ng panahon kay Gabby na nangaliwa tuloy. In fairness, ang ganda pa rin ni Alice sa screen at bagay sa kanya ang role na may restaurant dahil ang ganda niyang manager.


Aliw na aliw kami kay Thou Reyes na hindi naman challenging ang role pero pasok na pasok ang mga banat kapag kinukorek niya ang boss niyang si Cristine na nagwawala parati dahil kay Gabby.


Hindi namin knows kung sino ‘yung gumanap na boyfriend ni Andi na ang haba ng exposure, huh. Okay naman siya sa screen, ‘yun nga lang, kulang pa rin sa acting.


Okay naman ang When The Love is Gone, huwag lang siguro ikukumpara sa pinanggayahan nitong Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi na ayon sa mga nagkukumpara ay malaki ang pagkakaiba. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cristine, magaling sa sex sex scenes; Gabby, yummy pa rin


No comments:

Post a Comment