Wednesday, November 27, 2013

C-13O cargo plane, dapat dagdagan—Recto

Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na doblehin ang C-130 planes sa paglalaan ng P1.5 bilyon mula sa panukalang 2014 national budget.


Ayon kay Recto, aabutin ng P500 milyon ang pag-aayos sa isang C-130 batay na rin sa pagtaya ng Philippine Air Force (PAF).



“So if we set aside P1.5 billion in next year’s budget, then we will be able to double the number of our C-130 fleet. And that is a very wise investment the country should make,” ayon kay Recto.


Aniya, napatunayan na ang kahalagahan ng naturang sasakyang panghimpapawid na kahit tatlong C-130 lang ang gumagana ay epektibo ang mga ito sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.


Ang C-130 ng PAF ang unang lumapag sa paliparan ng Tacloban City, at ito rin ang umayuda sa lindol sa Bohol, at ginamit din sa paghakot ng mga tropa at sasakyan nang magkaroon ng kaguluhan sa Zamboanga City.


“The recent tragic events have proven one indisputable point: C-130s are essential transport. They should be high up in the list of disaster response equipment. Their purchase should be part of disaster preparation,” dagdag ni Recto.


Sinabi pa nito na dapat kumpunihin na lang ang may 18 pang C-130 sa PAF dahil mas makatitipid pa ang gobyerno kumpara sa pagbili ng bago na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon. Subalit para kay Recto, mas maganda pa rin kung bago ang makukuhang C-130 aircraft. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



C-13O cargo plane, dapat dagdagan—Recto


No comments:

Post a Comment