Thursday, November 28, 2013

2 basag kotse gang dakip sa Caloocan

NADAKIP ng mga pulis ang dalawang miyembro ng basag kotse gang matapos biktimahin ang kotse ng retired colonel sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Nobyembre 27.


Kinilala ang mga suspek na sina RC Sibug, 18 at Ivan Macabali, 28, pawang ng Tindalo, Tondo, Manila.


Sa ulat, alas-11 ng gabi, ipinarada ng biktimang si Rodrigo Bonifacio ang dalang sasakyan sa parking area ng Max Restaurant sa EDSA bago pumasok at kumain.


Nang matapos ay bumalik na sa sasakyan ang biktima at laking gulat nang makitang basag ang salamin sa passenger side at wala na ang iniwan na bag na naglalaman ng lap top; wallet na may laman na $5,000 at cellphone.


Ilang barangay tanod ang lumapit sa biktima at sinabi na nasabat nila ang mga suspek at nasa barangay hall na.


Sumama ang biktima at nabawi ang mga nanakaw maliban sa $5,000 na naging dahilan upang dalhin sa presinto ang mga suspek.


The post 2 basag kotse gang dakip sa Caloocan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 basag kotse gang dakip sa Caloocan


No comments:

Post a Comment