Thursday, November 28, 2013

WASH team ipinadala ng DoH sa Tacloban

ISANG Water, Sanitation and Hygiene (WASH) at disinfection Team ang ipinadala ng Department of Health- National Capital Region (DOH-NCR) sa Tacloban City upang tiyakin ang kaligtasan at kalinisan ng tubig sa evacuation centers doon.


Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, nais nilang matiyak na hindi magkakaroon ng epidemya sa tubig o animal-borne diseases sa lungsod matapos ang naganap na pananalanta ng super bagyong Yolanda kaya’t nagpadala pa sila ng karagdagang health teams sa rehiyon.


Nabatid na kabilang sa imu-monitor ng WASH teams ay ang mga tubig mula sa deep well, communal faucet, stand post, waterworks mula sa mga local provider at mga bottled water.


Maging ang mga excreta disposal at solid waste management ay masusi ring isu-supervise ng grupo.


Bukod sa pagmonitor sa estado ng tubig ay magsasagawa rin ang WASH team ng anti-dengue misting operations at disinfection sa evacuation centers upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit tulad ng diarrhea o pagtatae, ubo, at sipon, at mapaghusay ang kondisyong pangkalusugan ng mga residente.


Nabatid na ang WASH teams ay may dalang mga spray cans, ultra-low volume machine (ULV), MD solution, Pesguard, Hyposol at mga calcium chlorite.


Ang operasyon ay tugon sa direktiba ni Pangulong Aquino na tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng survivors sa lalawigan.


Mananatili ang DOH-NCR WASH team sa Tacloban sa loob ng 12-araw.


The post WASH team ipinadala ng DoH sa Tacloban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



WASH team ipinadala ng DoH sa Tacloban


No comments:

Post a Comment