Thursday, November 28, 2013

Hobe, nagkampeon sa 3rd DELeague

Naidepensa ng Hobe Bihon ang kampeonato matapos biguin ang Skyforce sa overtime, 97-94, noong Martes ng gabi, sa finals ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup sa Marikina Sports Center.


Dalawang beses na nabigo si Jamelle Cornley para ibigay ang panalo sa Hobe Bihon sa regulation ngunit binuhat naman nito ang koponan sa overtime para makopo ang ikalawang sunod na titulo.



Tabla ang laro sa 77 nang magmintis ang 2012 PBA Governors’ Cup Best Import awardee sa free throw line may, 15 segundo na lang ang nalalabi, at sumablay mula sa three-point area sa pagtunog ng buzzer.


Sa overtime na nanalasa sa opensa si Cornley nang umiskor siya ng 15 puntos, kabilang ang huling 9 sa kanyang koponan.


Tinapos niya ang laro na may 36 puntos at 13 rebounds.


Ang Skyforce ay pinangunahan ni Ronjay Enrile na may 21 puntos. Kapwa naman nag-ambag sina Marlou Aquino at Mac Montilla ng tig-14 puntos para sa Skyforce.


Tinanghal naman bilang Most Valuable Player ng liga si Cornley at sinamahan siya sa Mythical Five selection nina Mac Belo ng PL Antipolo, Cedric Middleton ng Skyforce, Mark Caceres ng Skyforce, at Francis “Kiko’ Adriano ng Sta. Lucia East Grand Mall.


Samantala, kumulekta ng 43 puntos, 8 rebounds at 4 assists si Adriano para pangunahan ang Sta. Lucia sa 125-117 pagwawagi laban sa PL Antipolo sa battle for third place noong Martes.


“Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng mga nanood sa simula at hanggang sa pagtatapos ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup. Eksaktong isang taon ng kamatayan ng ating dating Executive Chairman Kap. Rudy Francisco ay tinanghal muli nating nagging kampeon sa liga ngayon taon ang koponan ng Hobe Bihon. Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng nakibahagi lalo na ang mga nagtrabaho at lumahok sa ligang ito para maging matagumpay. Asahan natin ang mga matitindi pang laban sa susunod na taon,” sinabi ni Marikina Mayor del de Guzman.


Ang DELeague ay suportado rin ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc., St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp., The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hobe, nagkampeon sa 3rd DELeague


No comments:

Post a Comment