Wednesday, November 27, 2013

VP BINAY: KUKUHA NG TRO LABAN KAY DELFIN LEE

DAHIL sa pagkaka-dismiss ng kasong syndicated estafa laban sa “fugitive” na developer ng Globe Asiatique (GA) na si Delfin Lee, at iba pang namumuno sa nasabing kompanya.


Gayundin ang pagpapatigil sa warrant of arrest na pinalabas ng Pampanga court laban sa kanilang lahat.


Umaasa si Vice President Jejomar C. Binay, na ang Korte Suprema ay maglalabas ng temporary restraining order (TRO) kapag ang kaso ay naiapela na.


Sa pagkakaabsuwelto ni Lee sa kasong syndicated estafa, pinawalang bisa rin ng Court of Appeals ang warrant of arrest na pinalabas ni Judge Amifaith Fider-Reyes, presiding judge ng San Fernando, Pampanga RTC-Branch 42, laban sa “fugitive” na developer.


Sa isang 29 pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Franchito Diamante at sinusugan ni Associate Justice Agnes Reyes-Carpio at Melchor Sadang, ayon sa CA, ang estafa kapag ito ay naging kasalanan na nahulog sa syndicated estafa, ito ay dapat na nilikha ng lima o higit pang katao.”


“Sa kabalintunaan nito ang warrant of arrest na ipinalabas laban sa petitioner (Lee) ay wala nang bias at inalis na ayon sa ipinag-uutos ng korte.


Nauna pa rito, dinismis ng CA ang kaso na inihain laban kay Cristina Sagun, na dating head ng GA’s documentation department at co-accused ni Lee sa kasong syndicated estafa na inihain ng DOJ finding no probable cause.


Ang Regional Trial Court of Pampanga una na rito, ay nag-utos sa pagdakip kina Delfin at Dexter Lee at sa kanilang mga co-accused kapag naging sapat ang mga ebidensya upang sila ay litisin tungkol sa syndicated estafa na kanilang kinahaharap, na walang piyansang katapat.


The post VP BINAY: KUKUHA NG TRO LABAN KAY DELFIN LEE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



VP BINAY: KUKUHA NG TRO LABAN KAY DELFIN LEE


1 comment:

  1. VP Binay sino po satin ang manloloko , magnanakaw, sinungaling at higit sa lahat may sindikato?

    Harapin nyo na po ako! Ilabas na natin ang totoo…
    Ipapaliwanag ko po ang katotohan sa xevera at Pagibig, lpaliwanag nyo naman ang tagong yaman ninyo!


    know the truth at http://globeasiatique.ph


    https://www.youtube.com/watch?v=Qb9ivWizQRY

    ReplyDelete