Wednesday, November 27, 2013

PAGING GEN. PURISIMA AT GEN. PETRASANTA

IBANG klase rin itong si PO2 Azurin ng Lubao Police Station sa Pampanga, halos bagito pa lang ata ito sa serbisyo pero kung umasta halos walang panama ang mga bosing nito sa PNP.


Eh, bakit kamo? Nakarating sa ating kaalaman na may naging nobya ito pero nagdesisyong makipaghiwalay ang babae nang kanyang madiskubre na may pamilya na pala ang mokong na ito.


Eto ang siste.


Nagpipilit ang damuho na balikan siya ng kaawa-awang babae at itong huli kamakailan lang ay nagpakita ito ng kayabangan, pananakot at pwersa nang tumungo ito sa bahay ng babae habang naka-complete uniform, kasama ang mga ilang kasamahan nito na pawang mga nakauniporme rin at mismo sa harap ng tahanan ng babae sila nag-inuman ng alak.


Teka, tiyak hindi ito papayagan ni PNP chief Gen. Alan Purisima, PNP-Region 3 director na si Gen. Raul Petrasanta at provincial director na si Col. Oscar Agbayalde.


Ang alam natin, ayaw ng tatlong opisyal na ito ng imoral at abusadong pulis tulad nitong si PO2 Azurin.


Gen. Purisima, Gen. Petrasanta at Col. Agbayalde, baka pwedeng mabigyan ninyo ng pansin itong kawawang babae.


Alam namin hindi kayo imoral, mayabang at abusado, ‘di ba, mga sir?


@@@


Nepomuceno, partner ni Biazon sa pagbabago sa BoC


Inaasahang magiging solidong ka-partner ni Customs Commissioner Ruffy Biazon itong bagong talaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si dating Office of Civil Defense (OCD) director at executive officer Ariel Nepomuceno bilang bagong deputy commissioner ng Enforcement Group ng ahensya.


Sa kanyang pahayag, taos-pusong nagpasalamat si Nepomuceno sa Pangulo sa pagbibigay nito ng tiwala sa kanya at tahasang nangako ito na magiging kaagapay siya ni Comm. Biazon sa pagpapatupad ng huli ng mga programang pangreporma sa BoC.


“The reforms our people are expecting are not only about change of people, but change in people. Not only about re-organization, but making BoC into a functional, client-friendly and graft-free government agency,” ani Nepomuceno.


Dagdag pa nito: “Not only about policy change, but ensuring accountable and responsible operations at our respective duty stations.”


Isa sa mga pangunahing pagtutuunan ng pansin ni Nepomuceno ay ang ma-accredit ang BoC sa International Standard Organization (ISO) upang masiguro nito ang tinatawag na world-class customs service.


“Imagine our impact, if we perform our duties with the highest degree of accountability, integrity and transparency,” ayon pa sa bagong EG deputy commissioner na hindi na rin naman bago sa serbisyo-publiko dahil nauna na ito na maging opisyal ng OCD ng Department of National Defense.


Noong 2003, naging director din ito ng Office of the Presidential Chief of Staff at general manager ng Food Terminal Inc.


Noong 2002. Siya ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts-History na isang magna cumlaude sa University of the Philippines at kasapi ng Philippine Military Academy Class of 1987.


Good luck Dep. Comm. Nep!


The post PAGING GEN. PURISIMA AT GEN. PETRASANTA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGING GEN. PURISIMA AT GEN. PETRASANTA


No comments:

Post a Comment