Wednesday, November 27, 2013

VK QUEEN NG MAYNILA AT LOTTENG NI TOTO LACSON

HALOS narekupo ng tinaguriang “VK Queen” (Video Karera) ang buong Maynila, maliban lang sa Station 4 dahil hindi pumayag ang hepe nito.


‘Yan, parekoy, ang ipinaabot sa atin ng “tawiwit” na isa ring opisyal ng pulis sa Manila Police District.


Ang tinutukoy ng ating tawiwit na namamayagpag ngayon bilang reyna ng VK sa kaharian ni Erap Estrada ay kinilalang si Gina na asawa ni Ronnie Gutierrez.


Sa kwenta ng ating tawiwit, sandamakmak na pera ang kinikita araw-araw ng napakaraming makina ni Gina na nagkalat simula sa barangay ni Vice Mayor Isko Moreno hanggang sa may tungki ng ilong ni Mayor Erap! Ehek!


Bagama’t naglalaway na umano sa sobrang gigil ang mga pulis dito sa naglipanang VK ni Gina ngunit wala silang magawa sa pangamba na sa kangkungan sila pupulutin!


Sa ngayon, parekoy, nangangapa pa ang ating “tawiwit” kung sino talaga ang “kapit-bisig” nitong si Gutierrez kaya hindi kayang sawatain itong kanyang iligal na gawain.

Abangan!


-o0o-


IBA’T ibang isyu ang nakikitang dahilan kung bakit marami ang naniniwala ngayon na ang 2016 ang malas na taon sa “political career” ng pamilya ni Vice President Jojo Binay.


Ang isyu ng political dynasty kung saan ito ay lumusot na sa “committee level” ng Kongreso, ang pangunahing babaklas sa posisyon sa ilang Binay.

Matatandaan na maliban sa ama na pangalawang pangulo ng bansa, senadora ang anak nitong si Nancy, kongresista ang isa pang anak na si Abegail at alkalde ng Makati ang kanyang dayunyor!


Kung tuluyang maisabatas ang “anti-political dynasty” ay obligadong isa na lang ang matitira sa kanila sa posisyon.


Ngunit kung si VP Binay ang kanilang ipipreserba dahil sa “atat” na ito na maging Pangulo, malamang na ililigwak naman si Nognog ng taumbayan dahil sa isyu ng pagiging epal.


Na maging ang kalamidad sa Samar at Leyte ay hindi pinalagpas sa kanyang pang-eepal!

Maging sa isyu ng iligal na sugal ay hindi rin ligtas ang pamilyang Binay.


Sa Bangkal, Makati, parekoy, ay kampanteng nakaistasyon itong gambling lord na si Toto Lacson!


Ang “bookies, lotteng at jueteng” ni Lacson ay hindi kayang suwagin ng kapulisan ng Makati dahil sa takot na mabatukan sila ni Binay!

Ang dahilan?


Ayon sa ating “tawiwit,” ang nabanggit na GL ay pangunahing supporter sa pulitika ng pamilyang Binay!


Abangan ang mga donasyong mula sa sugal ni Lacson!


The post VK QUEEN NG MAYNILA AT LOTTENG NI TOTO LACSON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



VK QUEEN NG MAYNILA AT LOTTENG NI TOTO LACSON


No comments:

Post a Comment