Wednesday, November 27, 2013

MAYOR MANNY ALVAREZ…BULAG

SI Mayor Manny Alvarez ng Rosario sa Batangas ay nalagay sa puwesto dahil sinuportahan nang todo ng kanyang mga kababayan sa nakaraang halalan.


Ang pagpili ng lider ay parang pagpili rin ng sasakyan na sa rami ng pagpipilian ay hindi mo na malaman kung sino ang dapat mong piliin.


Sa dami ng magagarang sasakyan sa ngayon, ‘di mo na tuloy malalaman kung alin sa mga ito ang makasusunod sa ini-expect mong performance.


Maaasahan, magpe-perform. Ganyan ang pagsasalarawan ng mga taga-Rosario sa pagpili nila kay Mayor Alvarez bilang kanilang punong-bayan.


Pero ilang buwan pagkatapos ng May 10, 2013 election, ang napiling magarang ‘sasakyan’ sa katauhan ni Mayor Alvarez ay, tila, tumitirik.

Dahil, ayon sa mga taga-Rosario, simpleng hiling daw nila na ipahinto ang montehan sa Barangay E sa Poblacion ay ‘di pa magawa ni mayor.


Kaya inirereklamo ay dahil maraming residente na ang nalulong sa bisyo na ito.


Pambili na lang daw ng bigas ay itinataya pa sa montehan na ito.


Tila protektado raw ng mga bata ni Rosario police chief C/Insp. Salvador Solano ang nasabing gambling den dahil iniikutan palagi ng police car ng nasabing bayan.


At take note, Mayor Alvarez at Maj. Solano, may sakla den din sa loob ng Tombol cockpit sa Brgy. Quilib na ino-operate ng isang Sgt. Legarte.

Gayundin sa Brgy. Alupay na ang financier ay isang retired ‘Sgt. Macaraeg’ na dating miyembro ng Rosario police station.


Pakiwari natin, bulaggggg sina mayor at major dahil ‘di nila nakikita ang naghambalang na iligal sa kanilang area of responsibility.


—***—


Sa bayan ng Nasugbu, hindi humihinto ang baklay o saklaan sa El Paso cockpit na minamantine ng partners na sina Willy Mendoza at Jerome King.


Sina Mayor Charito Apacible at police chief Supt. Marlowe Quintong Torina ay tila, walang pakialam sa operasyon ng iligal sa kanilang bayan.


Bakit ayaw kumilos nina mayor at hepe. Hulaan n’yo! At pareho lang ang lalabas sa ating baraha.


The post MAYOR MANNY ALVAREZ…BULAG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAYOR MANNY ALVAREZ…BULAG


No comments:

Post a Comment