Thursday, November 28, 2013

Rotational brownout, ipatutupad sa Visayas

Kahit naibalik na ang supply ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng super bagyong ‘Yolanda’, makararanas pa rin ng dilim ang mga residente sa nasabing mga lugar.



Ito ay matapos kumpirmahin ni Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla na magpapatupad ng rotational brownout sa buong Visayas hanggang hindi nakukumpleto ang rehabilitasyon ng 650-megawatt geothermal plant ng Energy Development Corporation (EDC) na napinsala ng Yolanda.


Ipinaliwanag na kahit matupad ng gobyerno ang target nitong petsa sa pagbabalik sa supply ng kuryente sa mga binagyong lugar, magkakaroon pa rin ng dalawa hanggang apat na oras na rotating brownout dahil kulang pa rin ang supply nito.


Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na napailawan na ang Bohol at Ormoc at maaari nang magbigay ng may 180 megawatts na sobrang supply mula sa Luzon simula sa Disyembre 9.


Ngunit hindi pa ito sapat dahil ang pangkalahatang demand para sa buong Visayas ay 1,400 megawatts.


Sa taya ng National Electrification Administration (NEA), aabot sa P5 bilyon ang pinsala sa distribution at transmission lines ng 34 na electric cooperative sa Visayas.


Pinahiram muna ng NEA ng P371 milyon ang mga kooperatiba upang mapalitan ang 2,000 posteng itinumba ng bagyo. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rotational brownout, ipatutupad sa Visayas


No comments:

Post a Comment