Wednesday, November 27, 2013

NDRRMC: Yolanda death toll 5,560 na

UMAKYAT na sa 5,560 ang death toll sa super typhoon Yolanda sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang umaga.


Sa alas-6 ng umaga na update, bukod sa pagtaas ng death toll ay sinabi ng NDRRMC na 26,136 katao ang sugatan habang 1,757 pa ang nawawala.


Apektado rin ang 2,317,553 pamilya o 10,884,242 residente mula sa 11,984 bayan sa 44 lalawigan.


Umaabot naman sa 48,598 pamilya pa ang nasa 1,091 evacuation centers, makaraang salantain ng bagyo ang 585,440 bahay.


The post NDRRMC: Yolanda death toll 5,560 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NDRRMC: Yolanda death toll 5,560 na


No comments:

Post a Comment