Wednesday, November 27, 2013

Magkapatid itinumba ng 4 sa Olongapo City

PATAY ang isang magkapatid matapos pagbabarilin ng apat katao sa Olongapo City kaninang umaga, Nobyembre 28, 2013.


Nabatid na katatapos lamang mag-almusal sa isang karinderya ng magkapatid na Marvin at Marian Alceros, alas-6 ng umaga nang ratrarin sila ng mga suspek.


Makaraan ang krimen ay agad na nagsitakas ang mga salarin sakay ng hinarang na tricycle.


Bago ang insidente, nakita pa sa CCTV na nagkaroon pa ng pag-uusap ang grupo ng suspek at magkapatid.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Magkapatid itinumba ng 4 sa Olongapo City appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magkapatid itinumba ng 4 sa Olongapo City


No comments:

Post a Comment