Thursday, November 28, 2013

Iwas-kulong si Freddie Aguilar kaya nagpa-convert sa Muslim faith!

BIGLANG-BIGLA ang naging desisyon ni Ka Freddie Aguilar na magpa-convert sa Muslim faith pati na rin ang kanyang live-in partner na 16-anyos na si Jovy.


Kung bakit? Natakot yata ang singer/composer na maposasan at makulong dahil nga sa sobrang batang-bata ang kanyang dinale o nakarelasyon from Mindoro. Bago pa man napagdesisyunan ni

Ka Freddie ang pagpapa-convert sa Muslim ay may ilang banta na ang nakarating sa kanya partikular na itong mga moralista na kakasuhan talaga siya at sisiguraduhing ididiretso siya sa kulungan.


Kaya naman, hindi na nagdalawang isip pa si

Ka Freddie, lalo na nang may magmungkahi sa kanya na mag pa-convert sa Muslim religion.


Kunsabagay iba nga naman ang ipinaiiral na batas sa Muslim dahil kahit makipagrelasyon ka sa mas batang 16-anyos, oks lang ito sa kanilang relihiyon. Ang batayan kasi ng kanilang batas, kahit na edad 12-13 anyos, basta nagkaroon na ito ng dalaw (regla) pinapayagan na ito ng mga kapatid nating mga Muslim na magpakasal o mag- asawa. Kaya naman sa aspetong ito, lusot talaga si Ka Freddie na maposasan o makulong. Kaya naman lusot talaga sila ng kanyang grand daughter, este live-in parter na si Jovy. Hahahahahahahahahaha!


Si Gov. Toto Mangudadatu ang nagbigay ng seremonya kina Ka Freddie at Jovy na itinaon pa ito sa ika-4 na taong anibersaryo ng Ampatuan Massacre dated Nov. 22. Sa totoo lang, dito talaga kinabog ni Ka Freddie ang isang abogado na magsasampa sa kanya ng kaso.


@@@


HANGGANG ngayon problemado pa rin talaga ang Royal Bajandi film indie producer na si Boy Pilapil dahil tuluyan nang pinapatay ang industriya ng indie movies.


Pinoproblema kasi ni Papa Boy ngayon na may pelikulang pinalalabas entitled AGRESIBO na pinagbibidahan ni KC Miller, Lili Montelibano at Zack na kung tawagin sa White Bird Entertainment bar ay si Papa Akie.


Tatlong sinehan na lang ang ibinigay sa kanya para ipalabas ang kanyang pelikulang AGRESIBO na idinirek ni (‘wag na lang! ‘Di ko babanggitin ang pangalan n’ya) at ito ung ROBEN, ISSETAN, REMAR.


Talagang dapat lang sigurong maghimutok si Papa Boy at tila napapabayaan na ng isang ahensya natin sa gobyerno (MTRCB) kung paano sila matutulungan. Dahil kung tatlong sinehan nga lang ang paglalabasan mo, paano mo mababawi ang kulang sa isang milyong pisong pinuhunan mo?

Kaya naman sana mabigyang pansin ito ng MTRCB chairman na si Toto Villareal at ng ating Presidente na si PNOY, ang nasambit na hinaing ng ating indie producer.


Watch out, palabas pa rin sa ISETAN, Roben at Remar ang AGRESIBO. Tinanong namin kay Papa Boy kung naging agresibo rin ba ang mga nanood na pasukin sa mga sinehan ang kanyang pelikula?

Tinawanan lang kami ng aming mabait na kaibigan. ‘Yun lang!


The post Iwas-kulong si Freddie Aguilar kaya nagpa-convert sa Muslim faith! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Iwas-kulong si Freddie Aguilar kaya nagpa-convert sa Muslim faith!


No comments:

Post a Comment