Tuesday, October 1, 2013

Problemado sa pamilya, nagbigti

Isang lalaki ang nagbigti sa loob ng kanyang kubo sa Barangay Cupang, Antipolo City, kamakailan.


Sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Rollie Anduyan, gumamit ng nylon cord sa pagbibigti si Jerome Balano, nasa hustong gulang, ng Sitio Igiban, Bgy. Cupang, Antipolo City.



Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Renato Abalos, dakong 10:30 ng umaga noong Linggo nang pumunta sa kubo ni Balano ang kanyang tiyuhing si Crisanto Balnos, 33, hanggang nakitang nakabitin at wala nang buhay ang una.


Nabatid pa sa imbestigasyon na madalas sabihin ni Balano sa kanyang mga kakilala na magbibigti siya kapag hindi na niya nakayanan ang mga problema niya sa pamilya. – Clemen Bautista


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Problemado sa pamilya, nagbigti


No comments:

Post a Comment