Tuesday, October 1, 2013

PAHINGI PA NGA NG BEER

Nagdaos ng birthday ang isa kong kaopisinang lalaki sa isang Chinese restaurant sa Makati City. At siyempre, imbitado ang malalapit niyang kaibigan kasama ako. Naku, masarap talaga ang pagkaing Chinese, kahit hindi mo na isawsaw sa kung anu-anong mahiwagang sarsa ang kanilang putahe! Habang umiinom ang kababaihan ng mainit na tsaa at malamig na black gulaman, beer naman sa kalalakihan. Nang sumapit na ang oras ng aking pag-uwi, nagpasalamat ko sa nag-birthday. Aniya, mag-one-for-the-road ako ng beer bago umalis na agad kong tinanggihan sapagkat hindi ako umiinom ng beer kapag busog (ang hindi ko sinabi: Baka po ako mautot sa taxi). Iginalang niya ang aking pagtanggi at nagpaalam na ako. Bago pa man ako makalabas ng pinto ng naturang restaurant, narinig kong tumawag ng waiter ang isa ko pang kaopisina at sinabi, “Pahingi pa nga ng beer!”.


Habang nasa taxi ako, pinagnilayan ko ang beer at ang pagkahumaling ng kalalakihan sa inuming ito. May nagsasabi na mabuti ito sa katawan, at may nagsasabi na hindi. Ano ba talaga?


Pagdating sa bahay, naupo agad ako sa harap ng computer at ito ang natuklasan ko sa kaboodle.com: Pinabababa nito ang insidente ng pagkakasakit sa puso. Ayon sa mga pananaliksik ang katamtamang pag-inom ng beer ay nakapagpapababa ng pagkakaroon ng coronary heart disease sapagkat pinararami ng alcohol ang HDL (good cholesterol) levels at pinaliliit nito ang chance ng paninigas ng arteries at paglapot ng dugo – ang dalawang dahilan ng atake sa puso.


May bitamina ang beer. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga manginginom ng beer ay may 30% na mas mataas na level ng vitamin B6 sa kanilang dugo. Kaya kapag uminom ka ng beer, umiinom ka ng iyong bitamina.


Maiiwasan mo ring magkasakit sa bato. Sinabi ng mga eksperto sa isang pag-aaral, nabawasan ang pagkakaroon ng kidney stones sa 40% sa mga manginginom ng beer. Ngunit hindi naman malaman ng mga researcher kung anong sangkap ng beer ang nagpababa nito gayong kahanga-hanga ang pakinabang na ito.


Mag-beer na pala tayo!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAHINGI PA NGA NG BEER


No comments:

Post a Comment