Ni Remy Umerez
KUNG paano ibinabando ni Freddie Aguilar ang kanyang abot-langit na pagmamahal sa isang menor de edad, ganito rin ka-in-love si James Yap sa kanyang Italian girlfriend na si Mikaela Cazzola.
Sobrang open ang dalawa sa kanilang relasyon na laging naka-post sa Instagram.
Sa isang panayam, sinabi ng basketbolista na sobra-sobra ang blessings na dumating sa kanyang buhay at kasama na rito ang recent championship na tinamo ng kanyang San Miguel team.
Nang tanungin siya kung may kasalan bang magaganap…
“Tatanungin ko muna si Mikaela. Sa ganang akin, hinay-hinay muna. Nandiyan lang naman ang kasal. Hindi ito dapat madiliin. Ang mahalaga ay pagtibayin ang aming relasyon. We want to find out kung gaano kami kakomportable sa isa’t isa. Isang aral na natutunan ko is never to rush things,” sagot ni James.
When it comes to Bimby ay naging matipid sa pagsagot si James Yap. May court order na bawal siyang magkomento tungkol sa anak. Gusto niyang magkaroon ng sialng mag-ama ama ng special Christmas celebration.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment