Wednesday, October 30, 2013

Pinay ambassador, kabilang sa 100 World’s Most Influential Women

Napili bilang isa sa 100 Most Influential Women in The World (Global100) – Policy maker & Visionary Award Category ng Filipina Women’s Network (FWN) si Ambassador Patricia Ann V. Paez ang envoy ng Pilipinas sa Poland, Latvia, Lithuania at Estonia.



Ang nasabing award category ay kumikilala sa mga Pinay lider dahil sa angking galing sa negosyo, magandang adhikain sa pagbabago o maimpluwensiyang mga polisiya, kampanya o batas na epektibo sa pagnenegosyo, industriya at lipunan maging ang pagpapaangat sa buhay at karera ng iba sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga benepisyo sa kanilang yaman, karanasan at kaalaman.


“The FWN Global100 Awardees will be featured in a special issue of the FWN Magazine, and they will be honored at a Gala Awards dinner and ceremony on 26 October 2013 during the 10th Annual Filipina Leadership Summit at the Mark Hopkins InterContinental Hotel in San Francisco, California,” sabi ni Susie Quesada, Executive Vice President ng Ramar Foods at president ng FWN.


Ang 100 Most Influential Filipina Women in the World Award ay isang selebrasyon sa liderato, inspirasyon at tagumpay. Pagkilala ito sa mga Pinay na nakaimpluwensiya sa liderato sa global workplace.


Ang FWN Global100 women ay pinakamakapangyarihang ehemplo ng mga babae sa paggawa ng extraordinary work na humihimok sa kabataan at ang mga magiging lider pa sa hinaharap ayon kay Col. Shirley Raguindin, chairperson ng Global 100 Worldwide Search and Selection Committee.


Nabatid na napili sila mula sa mga nominasyong isinumite buhat sa 15 bansa.


“The Global100 Awards is the heart of FWN’s Filipina Global Power 2020 Vision: build the Filipina community’s pipeline of qualified leaders to increase the odds that some will rise to the “president” position in all industry sectors worldwide,” pahayag ni Marily Mondejar, CEO ng FWN. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pinay ambassador, kabilang sa 100 World’s Most Influential Women


No comments:

Post a Comment