Walang kamakamag-anak, walang kapakapatid sa pulitika.
Ito ay napatunayan matapos pagbabarilin hanggang mapatay ni Manuel Arcenas ang kanyang kapatid na si Ramon at pagkatapos binaril din ang kanyang dalawang babaeng kapatid na sina Jennifer Arcenas-Nuyles Evelyn Arcenas-Espinar.
Outgoing barangay chairman si Manuel Arcenas ng Barangay Manapao sa Pontevedra, Capiz at nakatakdang pumalit sa kanya si Ramon matapos talunin ang una sa idinaos na barangay elections noong Lunes.
“It is unfortunate that the political rivalry would end in violence, like the case in Capiz where he killed his own brother who won as barangay captain,” sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na tubo rin ng Capiz.
“This story is about local politics that went bad among members of a family,” ayon naman kay Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., hepe ng Western Visayas Police Regional Office. Aniya, maging sina Jennifer at Evelyn ay namatay sa insidente.
Nangyari ang pamamaril dakong 5:00 ng madaling araw sa Barangay Manapao, isang maliit na isla sa Pontevedra.
Ayon sa imbestigasyon, nagdesisyon si Ramon na tumakbo bilang barangay chairman dahil matatapos na ang termino ni
Manuel.
Ngunit sa halip na suportahan si Ramon, kinumbinsi ni Manuel ang kanyang anak na babae na tumakbo para sa posisyon.
Sa kabilang dako, sa halip na suportahan nina Jennifer at Evelyn ang anak ni Manuel ay todo suporta ang ibinigay ng mga ito kay Ramon na matinding dinibdib ni Manuel. – Aaron Recuenco
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment