Asam ni World Universiade gold medalist Wesley So na ibulsa ang ikalawang sunod na korona matapos maghari sa 17th Unive Tournament sa Hoogeveen, Netherlands sa pagsagupa nito sa Pan Americans Team tournament sa Lubbock, Texas.
“I will also be playing in Pan Americans Team Dec 27-30 in Lubbock, Texas,” ayon sa 20-anyos na si So sa Twitter account nito na @wesleySo93.
Ang torneo ay matapos naman ang ika-27th Southeast Asian Games na kung saan patuloy na nagdadalawang isip si So kung lalahok o hindi sasama sa pambansang delegasyon dahil sa pagkadismaya sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Matatandaang iniuwi ni So ang titulo ng Unive Tournament sa pakikipag-draw sa top seed na si English GM Michael Adams sa 21 moves sa final round.
Kinumpleto ni So, kasalukuyang ranked 40th player sa buong mundo, ang torneo na may 4.5 points kasunod sina Adams at Dutch GM Robin Van Kampen na may magkakatulad na 3.0 points.
Matapos ang Pan Americans ay sasali din ang tubong Bacoor, Cavite at nag-aaral sa Webster University sa Saint Louis, Missouri ng kursong Business and Finance.na si So sa Tata Steel tournament.
Kasama si So ay tinanghal ang Webster University bilang national champion sa 2013 U.S. College Chess Team Tournament. – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment