LONDON/ AMSTERDAM (Reuters)— Hinagupit ng malakas na bagyo ang hilagang Europe noong Lunes, na ikinasawi ng mahigit sandosena katao, pinutol ang mga linya ng kuryente at nagpuwersa ng pagkakansela ng daan-daang flight at biyahe ng tren.
Halos pito katao ang nasawi sa Germany habang apat ang nasawi sa Britain at ilan pa sa Netherlands, Denmark at France, nabuwal ang mga punongkahoy, nilipad ang mga bubungan at nabalibag ang mga truck, na nagdulot ng kaguluhan sa halos buong rehiyon.
Magdamag na humagupit ang bago sa hanging 99 mph, nag-iwan ng malaking pinsala sa timog ng Britain, bago tumungong silangan sa mainland Europe. Naparalisa ang London financial markets at mahigit 130 flights sa Heathrow ang nakansela.
Taglay ang 150 kph lakas ng hangin, hinagupit ng bagyo ang Netherlands, na ikinasawi ng dalawang katao. May 50 flights ang kinansela sa Schiphol airport ng Amsterdam at naantala ang mga biyahe ng barko sa Rotterdam Port, ang pinakaabalang daungan sa Europe.
Sa France, ibinuwal ng 100 kph na hangin ang kakahuyan sa hilaga at hilagang kanluran ng bansa, at nawalan ng kuryente ang halos 75,000 kabahayan.
Hindi rin nakaligtas sa lakas ng hurricane ang Scandinavia dakong tanghali, isinara ang tulay na naguugnay sa Sweden at Denmark at pinaralisa ang mga kalsada at maraming kabahayan ang nasira.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment